Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )

5.4K 184 29
                                    

Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )


**********


[ 3rd Person's PoV ]


Matapos mawala ang usok na nanggagaling sa bomba ni Kael kanina ay muling nagkita kita ang apat.


" Waaa~ nakatakas silaaa! " Di makapaniwalang usal ni Gavin. " Nawala si Kuyang Sword! :< "


" Ganun ba kaduwag ang mga lalaking 'yun para iwan kayong mga babae dito sa silid? " Sabi ni Dorothy habang nag aayos ng gagamitin niyang sandata " Masyado ata silang nagtiwala sainyo."


Sa kabilang banda naman ay nag usap na din yung dalawa " Akin yung Dorothy, Elsa."


" Sige."


" Hindi yun, masyado lang talaga nila kayong minaliit kasi pinagkatiwala nila samin ang laban na 'to. " Ganti naman ni Elsa kay Dorothy. Ngumiti naman ito ng tipid " Talaga lang ha. " 


" Mag iingat ka sa batang yan. Baka may kakaibang kakayahan yan kaya kasali siya sa grupong ito." Helena.


" Mag iingat ka rin sa babaeng yan. Minsan ng naikwento nila Ish ang apat sa pinakamalakas na myembro ng Elfame, at kasali siya dun."


" Sige." Tumango ang dalawa sa isa't isa pagkatapos ay sila na ang unang sumugod sa kalaban


**


Habang nakaupo sila ay napansin ni Maximo ang katabi niya na pawisan ang noo at parang kanina pa ito hindi mapakali. Agad naman niya itong tinanong.


" Ayos ka lang theo? "


" H-ha? Oo. Medyo nagulat lang ako sa pagwawala nung bata kanina ha-haha." Palusot nito pagkatapos ay marahan nitong tinago ang nanginginig nyang kamay.


Isang bangungot ang biglang naalala ni Theo nung makita nya ang mga mata ni Virgel kanina habang nagwawala.


Ang mga matang 'yun..


Biglang bumalik sa alaala niya ang panahong muntik ng ikamatay niya. Sobrang linaw pa sa utak niya ang pangyayaring 'yon. Siya ay nakaupo sa sahig na walang kalaban laban, kaharap ang limang alaga ni Vlademir na nakamaskara. At yung nasa gitna, hindi niya malilimutan ang mga matang 'yun. Katulad na katulad nung nakita niya kanina. Kaya naman mabilis siyang napabunot ng baril kanina dahil sa sobrang takot.


Magkapatid nga sila..


**


Habang tumatakbo papalapit sina Elsa at Helena sa kalaban ay lumingon muna ulit sila sa isa't isa tsaka nagtitigan. Pagkatapos ay tinignan nila pareho ang makakalaban nila. Nagets naman agad nung dalawang kalaban ang gustong mangyari nung dalawa kaya nung pumunta sa kanan si Helena ay dun rin sa direksyon tumakbo si Dorothy para salubungin ito. Ganun rin sina Elsa at Gavin sa kaliwa.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon