Episode 40: Helena's KISS

6.3K 233 60
                                    

Episode 40: Helena's KISS



********


[ Virgel's PoV ]



Ngiti ngiti lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Nakakatuwa naman ^__^


" Ang saya saya mo ata ngayon, Boss. " Tumingin ako kay Elsa habang hindi inaalis ang ngiti ko. Naku napansin niya pala hehehe


" Ah wala 'to hehehe"


" Naku baka pumapag ibig na naman 'tong si Boss." Natatawang komento ni Ish kaya napailing nalang ako.


" Hindi, masaya lang ako dahil kumpleto tayong kumakain ngayon. Nitong mga nakaraang araw kasi hindi na na'tin 'to nagagawa." Oo, kumpleto kaming kumakain ngayon. Bukod kasi sa nakabalik na sina Hell at Elsa ay maaga ring nakauwi ngayon si Hugo.


" Oo nga eh, buti naman naisipan mo ng umuwi ng maaga Hugo." Sabi naman ni Ish kay Hugo.


"Di na kasi ako masyadong Busy." Sagot naman ni Hugo.


" Since nagkasabay na tayong kumain ngayon, oras na siguro para magpasalamat 'tong si Hell kay Kael." Biglang sabi ni Elsa. Muntik namang mabulunan si Hell " Ba't ako magpapasalamat?! " Masungit pa din talaga tong si Hell ^_^


" Eh diba sinabi ko na sayong si Kael ang nag donate ng dugo para mailigtas yang buhay mong abnoy ka? Kaya magpasalamat kana! "


" Hahaha okay lang Elsa, maliit na bagay lang naman 'yun." Singit naman ni Kael. Buti naman at nakakangiti at nakakatawa na rin 'tong si Kael. Nung isang linggo kasi ay hindi namin siya makausap ng maayos. Napakatahimik niya. Naiintindihan naman namin siya dahil isang myembro na naman ng Fuego ang pinaslang ng mga Elfame. Isang kaibigan na naman niya ang nawala.


Dumalo kami sa libing ni Nero para ipakita ang pakikiramay namin sakanila. Mabuti nga at pumayag sila. Natatandaan ko pa noong panahon na dumalo rin kami sa burol ni Elon, siya yung ayaw magpapasok sa'min, napakasungit niya at parang lalapain kami sa sobrang talim ng mga titig niya. Pero alam niyo, nung tignan ko siya nung mga oras na yun habang mahimbing siya na natutulog ay di ko maiwasan ang maawa sakanya. Sayang ang buhay niya, napaka aliwalas ng mukha niya. At mas lalo pa akong nakaramdam ng lungkot nung sinabi sa'kin ni Ish na niligtas ako ni Nero nung nakikipaglaban kami sa isang myembro ng Elfame. Kung hindi daw dahil sakanya ay malamang wala na ako ngayon. Sobra nga ring nalungkot si Ish sa nangyari dahil hindi man lang daw niya nagawang iligtas si Nero gaya ng pagligtas nito sa'kin. Hindi man lang kami nakabayad ng utang na loob sakanya.


Kung na'san man si Nero ngayon, sana ay mapatawad niya kami, at sana masaya na siya ngayon.


Napatingin naman kaming lahat sa tumayong si Benz. " Tapos kana Benz? "


" Ah oo Bossing, maglalabas lang ako ng mahalimuyak na amoy sa labas " Natatawang sagot nito bago umalis at lumabas.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon