Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )

5.9K 199 92
                                    


Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )



********


[ 3rd Person's PoV ]


Paano nga ba nabuo ang grupong Crosser?



-Flashback-


" Eric Fortalejo." Pagpapakilala ng presidente ng bansa sa ikalimang myembro ng bubuo-ing grupo para sa isang napakahirap na misyon. Tumayo si Eric at tumabi sa unang apat na myembrong tinawag.


Panay kuha naman ng litrato at bidyo yung mga reporter sa limang binata para may balitang maihahatid sa mga mamamayan ng bansa.


" Mr. President, kailan ba magsisimula ang mga binatang ito para sa misyon nila? " Tanong naman nung isang reporter.


" Sandali, may isang myembro ang hindi ko pa naipapakilala sa inyo." Sagot ng Presidente na ipinagtaka ng lahat. Pati ang limang binata ay medyo nagulat rin. Akala rin kasi nila silang lima lang ang sasabak sa misyon.


Inilibot ng mga taong nandun ang kanilang tingin para hanapin ang posibleng pang anim na myembro ng grupo, pero wala silang mahanap. Tanging isang batang babae lamang ang napansin nilang nakaupo malapit roon sa kinauupuan ni Eric kanina.


" Ang pang anim na myembro na sasama sa misyon ay " Agad tumingin ang presidente sa batang babae " Si Ms. Lily Valdez "


Bakas sa lahat ng mga nandun ang sobrang pagkagulat. Lahat ay hindi makapaniwala. 


Isang batang babae? Sasama sa isang napakadelikadong misyon?


*****


Ngayon ay nakaupo na ang anim na nilalang kaharap ang presidente sa isang pribadong silid nitong mansyon.


" Nais kong ipaalala sa inyo kung gaano kadelikado ang misyon niyo. Si Hajeen Vornazek ay isang napakailap na terorista. At isa pa, napakalawak ng kumunikasyon niya sa buong mundo. Marami siyang alas. Napakarami ng lugar na pwede niyang pagtaguan. At sa pagkakataong ito, ang bansa natin ang napili niyang maging Hideout. Ang problema nga lang eh hinde namin matunton kong saan siya nagtatago ngayon."


" Ngayon, binuo namin ang grupong Crosser para sa spesyal na misyon. Kayong anim ang napili ng gobyerno para gawin ang misyong ito. Kayo nalang ang natatanging huling alas ng bansa para sa madispatsa ng taong yun. Malaki ang tiwala namin sa inyo."


Mabilis namang nagtaas ng kamay si Eric parang magtanong " Ah Mr. President " Umpisa niya sabay lingon kay Lily. " Sigurado ba kayong kasama namin siya sa misyon? " Tanong niya habang nakaturo ang hintuturo kay Lily. Habang si Lily naman ay tahimik lamang na nakaupo habang nakayuko.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon