Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman

6.7K 217 47
                                    

Episode Thirty 36: The Sniper Assassin ( Nero Guzman )


*********


[ Ish's PoV ]


Matapos kong magbihis sa kwarto ko ay bumaba na agad ako sa sala para puntahan si Benz.

Mahigit isang linggo na rin ang lumipas simula nung nangyari kay Hell. Sa kabutihang palad ay tagumpay na nailigtas ng doktor ang buhay ni Hell. Medyo okay na siya ngayon. At andun siya sa ospital nagpapahinga. Malaki talaga ang pasasalamat namin kay Kael, kung di dahil sakanya ay malamang hindi makakaligtas si Hell.

" Benz! Tara na! " Sigaw ko habang pababa ng hagdan. Asan na ba yung gago na yun? Bibisitahin pa namin sina Hell at Elsa ngayon.

" BENJAMIN!! " Sigaw ko. Anak ng, pagkababa ko ng tuluyan sa hagdan ay nadatnan ko si Benz na nanunood ng T.V -__-

" HAHAHAHAHA! Grabe ano ba yan si Tom! " Halos kapusin na siya ng hininga sa kakatawa. Abnormal talaga 'to. Ang babaw ng kaligayahan. " Oh ayan! Sige habulin mo! Hahahaha ano ba yan! ang bobo mo naman Tom hahahaha! "

Bago pa mamatay sa kakatawa ang gonggong na'to ay binatukan ko na agad siya sa ulo dahilan para mapatigil siya sa pagtawa. Mabilis naman siyang lumingon sa'kin. " He-hehe anjan ka na pala Ish."

" Kanina pa ako tawag ng tawag sayo gago."

Umisod naman siya sa pagkakaupo. " Halika nood muna tayo sandali, ang ganda na ng laban oh..malapit ng mahabol ni Tom si—"

" Tara na! Para kang bata! "

Napakamot naman siya sa ulo " Ay, sige tapusin ko lang tong episode na'to Ish ha, tapos aalis nadin ta—"

" Anak ng, Tom and Jerry lang yan Benz! Tara na! "

" Pero Ish last na 'to."

" Mamamatay kaba kapag di mo natapos yan? Ha? " Bwesit 'to. Lakas magpainit ng ulo eh. Kakamot kamot naman niyang kinuha ang remote tapos ay inoff ang T.V.

" Malapit na niyang mahuli si Jerry eh." Pagmamaktol pa niya habang nakanguso pa. Sarap tadjakan ng hayop.

***

Dumaan muna kami sa isang restaurant para bumili ng makakain nila Hell at Elsa. Sigurado akong gutom na gutom na ang mga 'yun. Pagkatapos bumili ni Benz ay dumiretso na agad kami sa ospital.

" Ish, may napapansin ka bang kakaiba nitong nakaraan? " Biglang tanong ni Benz kaya napalingon ako sakan—anak ng " Ba't mo kinakain yan?! Para kay Elsa at Hell yan!" Nilagay naman niya agad ang hawak niyang paa ng manok dun sa supot. " Hehe sarreh. Natakam kasi ako eh." Napailing nalang ako. Di ko na alam ang gagawin sa isip tipaklong na'to.

Habang tahimik akong nagdadrive ay bigla ulit siyang nagsalita " Ish may napapansin ka bang kakaiba nitong nakaraan? " Tanong na naman niya kaya napalingon ako sa—anak ng! " Huwag mo sabing kainin yan eh! "

" Ang sarap kasi talaga Ish eh. *munch munch* Ito tikman mo." Pigilan niyo ako uupakanan ko na talaga 'to! Pasalamat siya't nag dadrive ako dito kundi..urgh! Di nalang ako pumatol at pinagpatuloy ang pagdadrive papuntang ospital.

***

" Kumusta na siya? " Tanong ko agad kay Elsa pagkapasok namin dito sa room kung saan naka confined si Hell. Wala si Hugo dito, busy na naman kasi siya sa Companya. Sina Boss at Kael naman ay may pasok ngayon. Kaya naman kami lang ang nandito ngayon.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon