Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )

5.3K 172 37
                                    

Episde 56: The 4th Battle ( Part 2 )



*******


[ 3rd Person's PoV ] 


" Tignan mo sila, mukhang ang kasama mo ang talo sa labanan nila." Nakangising sabi ni Aiden sa kaharap niya habang nakikipaglaban. 


Nilabas niya ang isang deck ng baraha at tsaka niya ito hinagis ng sabay sabay sa harapan ni Benz. 


Gamit naman ang tatlong samurai ni Benz ay nahihiwa niya iyon lahat. Sunod na ginawa ni Aiden ay tinakpan niya ang sarili ng suot niyang kapa at pagkatapos ay binuklad niya ito nagsilabasan doon ang napakaraming kutsilyo at papunta ito direksyon sa kalaban niya " Hahahahah subukan mong sanggain lahat yan. "


Gamit ang talas ng panignin ni Benz ay inisa isa niya sanggain lahat ng yon. Napakaseryoso niya, kanina pa ito hindi nagsasalita dahil kanina na rin ito naiirita sa kalaban niya na tawag ng tawag sakanya sa pangalang 'yon. Pangalang matagal na niyang binaon sa limot.


Hinubad naman ni Aiden ang sumbrero niya at may kinuha siya doon na dalawang parang bilog na bagay.


Hinintay niya muna na matapos si Benz sa pagsangga sa mga kutsilyo. Hinagis hagis niya muna sa ere yung hawak niya. Si Benz naman ay habang patuloy sa pagsangga ay sinalo niya yung isa sa mga kutsilyo at tsaka ito mabilis na hinagis kay Aiden. Pero pumikit lang ito at ngumiti at walang kahirap hirap na sinalo ang kutsilyong iyon.


Nung makita niyang patapos na si Benz sa pagsangga ay hinagis na niya dalawang bilog na bagay, nakita yun ni Benz kaya mabilis niya iyong hiniwa. Pero nanlaki ang mga mata niya nung makita niya na kulay berding asido pala ang laman nito. Di niya ito napaghandaan kaya tinamaan ang kaliwang braso niya dito.


" Surprise." Nakangising saad pa ng Salamangkero. Gumulong naman si Benz habang hawak hawak ang braso niyang natamaan ng asido. Umuusok ito sa sobrang hapdi at parang nasusunog ang balat niya. " Arghh! "



" Nasan na nga pala ang tatlo mo pang kasama? Sisingilin ko pa yung mga yon." Lumapit ito ng dahan dahan kay Benz habang binabalik ang suot niyang sumbrero. " Ilang taon na rin simula nung lumusob kayo sa bayan namin. At ilang taon rin ang ginugol namin ng kakambal ko para ipaghiganti ang mga taong pinaslang niyo." Habang papalapit si Aiden ay mabilis na hinagis ni Benz ang samurai nito papunta sa direksyon niya. Nakita niya iyon kaya siguradong maiilagan niya lang ito. Pero nagulat siya sa sunod na ginawa ng kalaban. Sumunod ito sa hinagis niyang samurai at pagkatapos ay sinipa niya ang hawakan nito para mas mapabilis pa ang paglipad nito papunta sa sakanya. 


Pero dahil sa kakaibang reflexes niya ay naiwasan niya parin ito. 


Pero di pa natatapos dun ang lahat. Dahil na distract si Aiden sa samurai na yon, tagumpay na nakalapit si Benz sakanya. Pagtingin niya dito, matalim itong nakatingin sakanya. Mabilis siyang kumuha ng kutsilyo at yun ang ginamit niya sa pagsangga sa mga atake ni Benz. " Alam mo bang tatlo na ang napaslang ko sa mga kasamahan mo dati? At sa lahat ng napaslang ko ay wala pa akong kahit konting galos na natamo." Mas lalong nag init ang ulo ni Benz sa narinig niya kaya mas binilasan niya pa ang pag atake niya. " Tumahimik ka!! " Pero lahat ng yon nasasangga ng kalaban gamit lang ang dalawang kutsilyo na hawak nya.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon