Episode 49: Tears

5.6K 225 58
                                    



Episode 49: Tears



*******


[ 3rd Person's PoV ]


Minulat ni Virgel ang kanyang mga mata at napalibot siya ng tingin sa buong paligid. Hindi niya alam kung na'san siya ngayon, ang daming puno ang nakapalibot sa lugar ng kinatatayuan niya.

" Oh ayan na pala siya eh." Isang boses ang narinig niya sa may unahan kaya agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng boses na 'yun.  Dumaan pa siya sa matataas na damuhan hanggang sa makarating siya sa lugar na'yun. Pagkarating niya ay medyo nagulat siya sa tumambad sakanya. Limang mga bata na nasa mga edad nuebe ang nakita niyang nagtitipon-tipon, tapos yung isang bata na nakatalikod sa harapan niya ay may hawak hawak na isang sanggol.

" Oh, ba't kasama mo na naman yang kapatid mo? Di na naman tayo makakapaglaro nito ng maayos eh."

" Pasensya na kayo, gusto kasi niyang sumama eh."

" Baba..bababa."

" Oh baket?  Andito lang si kuya."

" Kayo nalang muna ang maglaro ah. Di ko kasi pwedeng pabayaan tong kapatid ko eh."

" Mahal na mahal mo talaga yang kapatid mo noh? Kahit magkaiba kayo ng ina."

" ano kaba?" 

" P-pasensya na."

" Hindi, Okay lang. Mahal na mahal ko 'tong kapatid ko. Kahit pa magkaiba ang ina naming dalawa. Gagawin ko lahat para sakanya. Para lang maging ligtas siya. Kahit pa kapalit ng buhay ko. "   ( Remember this scene? Check out episode 25, andun ang scene na'to dun :) )

Di na niya naiintindihan ang pinagsasabi ng mga batang yun kaya naman tinawag niya ang mga ito. " Mga bata.." Bigla namang lumingon sakanya ang apat na bata. Pero yung nakatalikod sa harapan niya na may hawak na sanggol ay ayaw lumingon.

Tatawagin niya pa sana ito ng dahan dahan itong humarap sakanya, at nung makita niya ang mukha ng batang iyon ay agad siyang natigilan. " A-argo? " Isang batang Argo ang tumambad sakanya habang may karga kargang sanggol. Napatingin siya sa batang hawak nito, at nung ibinalik niya ang tingin niya kay Argo ay nagulat siya nung bigla itong ngumiti ng napakaamo sakanya.

Halos hindi siya makakilos sa inakto ng kapatid niya. Ang isang demonyng nilalang na alam niya ay binigyan siya ng isang mala anghel na ngiti. Imposible. Napaka imposible.


" Ikaw na ba yan, kapatid ko? " 


Pagkasabi niyan ng batang Argo ay biglang dumilim ang buong paligid.  

Hinang-hina niyang ibinukas ang mga mata niya. Panaginip, panaginip lang pala ang lahat. Pansin niyang naluluha ang kanyang kanang mata kaya pupunasan niya sana ito..pero di niya maigalaw ang mga braso niya. Ano bang nangyayari?

Nung nasa saktong pag iisip na siya ay agad niyang tinignan ang buong paligid at ang sarili niya. Nakatali ang dalawang kamay niya ngayon sa isang makapal na kadena. Kaya pala di niya maigalaw ang braso niya. ( Yung parang krus style na pagkakagapos.)

Sinubukan pa niya ulit na kalasin ang mga ito pero nabigo lang siya. Bigla niyang naalala ang mga nangyari sakanya bago siya mawalan ng malay. May nakalaban siya, yung siyam na nilalang, tapos yung karayom na tumusok sakanya, tapos....si Agnes.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon