Episode 46: Lily Valdez

5.8K 220 38
                                    

Episode 46: Lily Valdez


***********


[ 3rd Person's PoV ]




" Na'san si Lily? Kailangan siya ni Boss ngayon."


" Andito sa loob."


Napaatras si Lily sa narinig niya sa labas nitong kulungan na tinitirhan niya sa halos isang taon na.


Gagamitin na naman nila ako..



Di na mapigilan ni Lily ang mga luha niya. Pagod na pagod na ang katawan niya. Ang dami ng sugat ang natatamo niya sa sunod sunod na paggamit sakanya ng Boss ng sindikatong nakakuha sakanya.


Kumalas ang mga kadenang nakatali sa pintuan ng kulungang 'yun pagkatapos ay bumukas ito ng marahan. Iniluwa doon ang dalawang tauhan na walang dalang mga armas. Bawal kasi yun dito sa kulungan ni Lily dahil baka maagaw niya ito at aksidenteng magising ang ikalawang katauhan niya.


" Tumayo kana jan. Kailangan ka ngayon ni Boss." Utos nung isang lalaki. Napahawak naman sa tiyan si Lily habang naluluha. " N-nagugutom po ako." Nangunot naman ang noo nung lalaki. " Tss, pakainin muna na'tin 'to."


****


Mabilis na nilantakan ni Lily ang mga pagkain na nasa harapan niya. Ilang araw na rin kasi siyang walang kain. Kaya halos puputok na 'tong ang bibig niya sa dami ng sinubo niya.


Bigla naman siyang nabulunan sa kinain niya kaya napasuntok siya ng mahina sa dibdib niya. Kung makalunok naman kasi, parang hindi na nginunguya. Mabilis namang nag abot ng tubig yung isang lalaki at tsaka iyon ininom ni Lily.


" Muntikan na ako dun ah. Salamat po kuya Ian." Masayang pasasalamat ni Lily kay Ian. Ngumiti naman si Ian sakanya. " Dahan dahan lang kasi. "


" Tss." Di na nag aksaya ng panahon yung isang lalaki at mahigpit niyang hinila si Lily kahit hindi pa ito natatapos kumain. " Naiinip na yun si Boss! " Reklamo nung lalaki habang kinakaladkad si Lily. " Aray po."


" Dahan-dahan naman Ed, bata yang kinakaladkad mo." Paala ni Ian sa kasama nito.


" Huwag ka ngang masyadong mabait sa batang 'to, Ian. Bihag natin siya at hindi bisita." Di na nagsalita si Ian at naaawa nalang itong nakatingin kay Lily habang marahas na kinakaladkad papunta sa opisina ng Boss nila.


Nung makarating sila sa opisina ng Boss ng grupo na tinatawag na Remesis Syndicate ay umupo muna sina Lily at Ian sa isa sa mga upuan dahil wala pa si Mr. Steve Clement-ang Boss nila.

Nung mapansin ni Ian ang namumulang braso ni Lily ay agad niya iyong kinuha. " Masakit ba, Lily? " Nag aalalang tanong nito.


VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon