Episode 45: Replacement

5.6K 204 36
                                    


Episode 45: Replacement




*******


[ Someone's PoV ]



Alas kwatro pa lang ng umaga pero mulat na mulat na ang mga mata ko. Paano ba naman kasi, ang Argo na' yun, bumisita na naman ng alas dos -__-. Grabe, ba't di kaya niya subukang bumisita ng umaga, no? Kakastress eh. Pero wala rin naman akong magagawa, di ko matiis na di pagbuksan yun. Sweet ko ba? Hahaha syempre baby Argo ko 'yun eh.


Habang ako ay nakasandal dito sa couch ay may nakita akong album na nakahalata sa isang bangko sa tapat ng inuupuan ko kaya kinuha ko ito, malamang tinitignan na naman 'to ni Argo kanina. Nung makuha ko ito ay tinignan ko na rin ang mga litratong nakapaloob dito. Medyo matagal na rin nung hindi ko 'to nabubuksan.


Ang mga laman lang naman ng Album na'to eh yung mga picture nung mga bata pa lang kami.


" Hahahaha " Natatawa pa rin ako dito sa picture na'to. Nakangisi kaming apat sa picture pero si Felix nakasimangot. Paano ba naman kasi, pinagalitan siya ng nanay niya ng time na'to na mismong kumuha ng picture. Ayaw kasing ngumiti,

ayun tuloy napingutan sa tenga hahahaha.


Habang masaya akong nagbubuklat ay napahinto ako sa isang larawan.


Di ko mapigilan ang ngumiti nung maalala ko 'to. Picture namin 'to ni Argo habang nasa ulo ni Argo si Virgel na nakakapit at may kagat kagat na tsupon.


Ang ganda ng pagkakakuha.




[ Flashback ]



" Argoooo! " Mabilis akong pumunta sakanya nung makita ko siyang nakaupo sa may damuhan." Anjan ka lang pala. "


" Oh may problema ba? " Nakangiting tanong niya.


" Hehe wala naman, namiss lang kita."


" Hahahah sira."


Umupo ako sa tabi niya at tinignan rin ang napaka gandang tanawin na makikita mo mula rito.


" Balita ko nanganak na si Tita Almira kahapon." Umpisa ko. Nakita ko naman siyang ngumiti. Tinulak ko siya ng mahina gamit ang balikat ko. " Congrats, magiging kuya kana." Natatawang asar ko kaya natawa rin siya.


" Oo nga eh. Kaya nga nandito ako dahil nag iisip ako kung paano ko siya aalagaan." Nakangiting sabi niya pagkatapos ay tumingin siya sa'kin. " Napakasaya ko ngayon."


" Okay lang ba yun sa'yo kahit magkaiba kayo ng ina? "


VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon