Episode 24: Training

7.9K 237 31
                                    

Episode 24: Training



******


( Kael's PoV )


*Flashback*


" Naintindihan ko po. Wag po kayong mag alala, poprotektahan ko ang kaibigan ko." Ngumiti ako kaya ngumiti rin si Mr. Acosta.

" Maraming Salamat. Makakaalis kana." Tumango ako sakanya pagkatapos ay napalingon ako saglit kay Argo. Tumaas bigla ang balahibo ko nung makita kong nakangisi siya sa'kin.

Nakakatakot talaga ang mga mata nitong nilalang na'to.

Papunta na ako sa pintuan ngayon at bago paman ako makalabas..

Isang kataga ang narinig ko mula kay Argo.

katagang kailanman ay hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig niya

" Pakisabi sa mangmang kong kapatid na nalalapit na ang muli naming pagkikita."

Napalingon ako sakanya at tinignan siya. Nakangisi parin ito kaya nakaramdam ulit ako ng takot. " Kapatid? Sinong kapatid ang tinutukoy mo? " Kinakabahang tanong ko.

" Ang batang Boss niyo. Si Virgel."

" Si V-virgel? "


*End of Flashback*


" Argo? Sinong Argo? "

" Si Argo Diamante. Ang una at pinakamalakas na Diablo ng Fuego Mafia." Sagot ko. Kita ko namang medyo kumunot ang noo niya.

" Paano naging magkapatid kami eh Diamante naman ang apelyido niya at hindi Acosta? " Kunot noong tanong niya. 'Yun rin ang pinagtataka ko. Kaya nga nagdadalawang isip akong sabihin sakanya kanina na may kapatid siya dahil parang hindi kapani-paniwala.

Baka mamaya pinaglololoko lang ako nun.

Pero narealized ko din naman na baka nga magkapatid talaga sila. Mukha palang nila sobrang magkahawig na. Pero ang nakapagtataka lang talaga, baket Diamante ang apelyido ni Argo at hindi Acosta?

" Hindi ko alam Boss eh. Ang sabi lang niya sa'kin na nalalapit na raw ang muling pagkikita niyo." tanging nasagot ko nalang. May alam kaya sila Hugo tungkol dito?

" Kanina.." Bigla ulit tumingin si Boss sa kalangitan. " May dalawang tumulong sa'kin kanina. At yung lalaki..hindi ko siya kilala pero ang mga mata niya...sobrang pamilyar sa'kin." Bigla nalang siyang napahawak sa ulo niya " A-aray.." Daing niya kaya taranta akong umalalay sakanya.

" Ayos ka lang Boss? " Kinakabahang tanong ko. Umiling iling naman siya habang nakapikit ang mata. " Hindi, ayos lang ako. Bigla lang kumirot yung ulo ko. Pero okay na ako." Sagot niya pagkatapos ay tumayo na siya sa pagkakaupo. " Magpapahinga na ako Kael."

" Sige Boss."

" Ikaw rin magpahinga kana. Bukas na mag uumpisa ang training natin."

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon