Episode 39: Whisper of the demon

6.4K 204 63
                                    

Episode 39: Whisper of the demon


**********


[ 3rd Persn's PoV ]


Matapos ang matinding labanan nina Ish at Cyrus ay mabilis na bumalik si Ish sa kinaroroonan ni Nero at Chase para tumulong. Nagbabakasali siya na makakaabot pa siya pero pagdating niya sa lugar na'yun ay isang napakatahimik na paligid ang naabutan niya. Dahan dahan siyang naglakad habang tinitignan ang buong paligid. Unang nadapo ang tingin niya sa katawan ni Chase na nakahandusay habang may saksak na Ice pick sa dibdib nito.


Natalo niya ang kalaban?


Inilibot niya ulit ang tingin niya pero hindi niya mahagilap si Nero. Na'san na kaya 'yun?


May napansin siyang isang babae na nakahiga sa may unahan kaya nilapitan niya ito. Tsaka lang niya napagtanto na ito pala yung babae na hawak hawak ni Nero kanina bago siya dumating.


Na'san ba si Nero? Ba't iniwan niya itong babae?


Wala na lang siyang ibang ginawa kundi kargahin ang babae para ipunta sa ospital, kahit malabo na itong mailigtas pa dahil hindi na ito humihinga.




[ Felix's PoV ]



" Isang myembro na naman ang nawala." Naibulong ko nalang habang naglalakad ako bitbit ang katawan ni Nero. Sumusobra na talaga ang Elfame Mafia. Plano ba talaga nilang galitin si Boss? Gusto ata nilang mabura sa mundo ng maaga eh.


Tinignan ko ang mukha ni Nero. " Pasensya na at nahuli kami. Pero huwag kang mag alala, nalalapit na ang araw ng digmaan, at uubusin namin silang lahat sa ngalan ng tatlong diablong tinapos nila. Maiipaghiganti rin namin kayo." Pag nalaman to ni Veronica at ng ibang kasami ng Fuego ay sigurado akong magluluksa na naman sila sa isang kasamahan nila. Tsk. Parang kailan lang nung mawala si Elon, tapos ngayon..may mawawala na naman. Di ko tuloy maiwasan ang hindi maawa. Hindi ako galing sa Fuego Mafia, pero halos dalawang taon din akong nasa puder nila. At masasabi kong ang walong diablo ay isang tahimik at masayang grupo noon. Pero ngayon ay unti unti na silang nauubos.




Kailangan na talagang pag isahin ang Fuego at Virgo para maiwasan na ang ganitong pangyayari.



[ 3rd Person's PoV ]



Sa kabilang banda naman, unti unti ng nawawala ang pagkakaparalisa ni Cyrus, at nung tuluyan na itong mawala ay tumayo na siya sa pagkakaluhod.


Saglit siyang napahawak sa leeg niya. Nakakaramdam parin siya ng konting sakit sa mga parte ng katawan niya kung saan siya tinamaan. Ang tindi talaga ng ginamit na technique ni Ish sakanya.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon