EPILOGUE

9.2K 238 137
                                    

EPILOGUE


Panuorin niyo po muna yung video sa media bago kayo magpatuloy :))


*************



[ Virgel's PoV ]


" Mahal na mahal ko 'tong kapatid ko. Kahit pa magkaiba ang ina naming dalawa. Gagawin ko lahat para sakanya. Para lang maging ligtas siya. Kahit pa kapalit ng buhay ko. "


Ang sarap sa pakiramdam ng hangin na dumadampi sa balat ko ngayon. Nakapikit lang ako habang nilalanghap ang simoy nito. Napakapayapa ng lugar. Sobrang tahimik. Puno ng natitingkarang mga bulaklak at mga damo ang paligid. Tanging mga huni ng ibon lang ang maririnig mo sa lugar na'to.


Nakasandal lang ako sa may puno ngayon habang nakaupo sa may damuhan.


Kung ganito lang sana kapayapa ang bawat lugar.


Nakarinig ako ng pag galaw ng mga damo na para bang may naglalakad at papalapit sa kinaroroonan ko kaya dahan dahan ko kung minulat ang mga mata ko.


At sa harapan ko tumambad sa akin ang taong minsa'y kinamuhian ko ng husto sa buong buhay ko.


Nakangiti lang ito..ibang iba sa laging nakikita ko sa tuwing magkaharap kami.


Napaka amo ng mukha...ibang iba sa itsura niya sa tuwing nagpapakita siya.


Nakatayo lang siya sa harapan ko at nakapamulsa habang ako naman ay nakaupo parin sa may puno habang nakaangat ang tingin sakanya.


Ilang segundo lang kaming ganun. Pero maya maya lang rin ay napayuko ako at umiwas ng tingin. Kahit anong gawin ko, sa tuwing tinitignan ko siya, bumabalik pa rin talaga sa alaala ko yung pagpaslang niya kay Hugo


" Kumukulo pa rin ba yung dugo mo sakin, Virgel? " Sa tono ng pananalita niya ay parang inaasahan na niya nag bagay na yun.


" Bakit? " Natanong ko nalang pabalik. " Bakit mo nagawa kay Hugo yun? Bakit kailangan mong tapusin ang buhay niya? "


" Plano kang patayin ni Hugo nung gabing 'yun." Natigilan ako sa sagot niya at mabilis na napaangat ng tingin. " Nilayo lang kita sa kapahamakan non, Virgel."


" Gustong patayin? Hindi magagawa ni Hugo sa'kin yun " Sagot ko pero may mga alaala ang bumabalik sa utak ko na nag mistulang sumagot na rin sa tanong ko na yun


Nung oras na pumasok siya sa kwarto ko na may dala siyang baril at sinabi niyang nililinisan niya lang ito. At nung gabing yun kung saan ko naabutan si Hugo na paakyat sa hagdan habang may hawak na namang baril.


Plano niya ba talaga akong patayin nun?


VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon