Episode 23: Jin del Fuego

7.3K 228 27
                                    


Episode 23:  Jin del Fuego



********


[Virgel's PoV]


Ang mga mata niya..

Baket sobrang pamilyar sa'kin ng mga mata niya? Para bang matagal ko na itong nakita. O sabihin nating parang sanay na akong nakikita ang mga mata niya.

Ang weird.

" Boss! "

Agad akong napaangat ng tingin nung may biglang sumigaw. Nakadungo lang kasi akong naglalakad habang hawak hawak itong pusa.

" Oh kayo pala. Baket hinihingal kayo? " Para kasing galing sa marathon to sila Ish, Benz, Kael at Elsa.

" Akala namin kung napano kana, Boss. San ba kayo galing? Ba't natagalan kang bumalik? " Sunod-sunod na tanong ni Ish kaya napayuko ako. Nakakatakot naman 'to si Ish 

" Pa-pasensya na " Agad kong ipinakita sakanila ang hawak kong pusa. " Hinanap ko lang kasi 'tong pusa. " Dagdag ko.

" Sayo ba yan Boss? Ang cute naman niyan " Mukhang nagustuhan din ni Elsa 'tong pusa. Ang cute naman kasi talaga niya. Ang amo amo ng mukha. Hehehe.

" Ah hindi. Nakita ko lang siya. Mukha kasing wala siyang amo kaya dinala ko nalang. Hehehe "

" Yan lang ba talaga ang rason Boss? Ba't may sugat ka jan sa pisngi mo? " Tanong ulit ni Ish kaya napahawak ako sa kanang pisngi ko na natamaan kanina ng shuriken.

Napaisip tuloy bigla.

Sasabihin ko ba sa kanila ang nangyari kanina sa gubat? Sasabihin ko bang may gustong pumatay sa'kin kanina?

Wag nalang siguro. Tama, wag nalang. Baka pag sinabi ko pa sakanila eh mas dadami pa yung mga tanong nitong si Ish. Tsaka isa pa ayoko silang mag alala sa'kin " Ah ito ba? Wala to, kinalmot lang to ng pusa kanina. Nahawakan ko kasi siya ng mahigpit kaya ayun.. Hehehe "

" Pinag alala mo kami Bossing. Mabuti naman at okay ka lang. " Wika ni Benz kaya napayuko ulit ako.

" Pasensya na at pinag alala ko kayo."

" Wala 'yun Boss. Tara balik na tayo sa cottage. Nakahanda na ang tanghalian dun." Sabi ni Kael at pagkatapos ay inakbayan ako. " Tara na. " At ayun nga. Pumunta na ulit kami pabalik sa cottage.

*

Sa ilang minuto naming paglalakad, malapit na sana kaming makabalik dun sa cottage namin ng may bigla kaming nakasalubong na apat na lalaki. Agad nanlaki ang mata ko nung mapagtanto ko kung sino sila.

Matagal narin nung huli ko silang makita.

Agad silang ngumisi sa'kin nung makita nila ako. Yung ngising nakakatakot.

" Ui..tignan mo nga naman. Si Boy Lampa andito" sabi ni Alfe sa mga kasamahan niya tsaka sila tumawa. Nakaramdam ako ng takot dahil baka kung anong pang aapi na naman ang gagawin nila sa'kin.

Lumapit si Alfe sa'kin tsaka hinawakan ang ulo at ginulo iyon ng malakas. " Kumusta kana? Hm? Tagal na nating hindi nagkita ah. Namimiss ko na yung baon mo." Sabi niya tsaka sila ulit tumawa. " Tamang tama gutom na gutom kami ngayon. Bigyan mo nga kami ng isang libo jan."

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon