Episode 41: The Demon and the Unknown

6.3K 218 47
                                    

Episode 41: The Demon and the Unknown


******


[ Benz's PoV ]



Matapos kong kindatan ang aking bae ay hinarap ko na ulit itong lalaking semi-kalbo ang buhok na para bang bibitayin na sa susunod na linggo. " Kailan ang bitay pre? " Pang aasar ko. Galit naman siyang tumitig sa'kin " Pwede bang umalis ka sa harapan ko, lalantakan ko pa yang babaeng yan." Ganti niya na nagpainit ng ulo ko. Bastos to ah!

Binunot ko si Ipin gamit ang kaliwa kong kamay at hinawakan ko ito ng mahigpit gaya ng pagkakahawak ko kay Upin. " Kakalabanin mo ako ng mag isa? Nagpapakamatay ka ba? " Tanong niya kaya ngumisi ako.



" At sinong may may sabing nag iisa ako? " Itinuro ko si Ipin sakanya " Makakalaban mo din tong mga alaga ko. Kaya kung ako sayo, ipagdasal mo yang sarili mo."



Bigla namang siyang natawa. " Tapang ah, sige nga tignan natin, baga may ibubuga ka nga." Nag stance siya ng isang pang depensang pose. Mukhang susubukan nga niya ata ang galing ko ah. " Sumugod ka."

Di na ako nagdalawang isip pa na sugurin siya. " Humanda kaa! " Mabilis kong iniwasiwas sina Ipin at Upin sakanya pero mabilis lang niya itong naiwasan.



Tuloy lang ako sa pag atake at pag wasiwas nila Upin pero di ako makatama sakanya. Yung ibang atake ko ay nasasangga niya gamit ang dalawang matutulis na gaunlets niya. Kaasar! " Oh ano na? Tamaan mo naman ako " Usal niya sa gitna ng mga atake ko kaya mas binilisan ko pa ng husto ang mga atake ko. Pero anak ng putcha! Di talaga ako makatama! Para siyang si Boss kung imilag. Napakatalas ng instinct niya dahil nalalaman niya ang galaw ng mga samurai ko.



At dahil nadala ako sa emosyon ko, sabay kong hinampas sina Ipin sakanya pero nasangga niya yun at hinawakan gamit ang dalawang kamay niya. " Ang lakas ng loob mong iligtas ang babaeng yun samantalang ngayon heto ka, unti unti ng nawawalan ng pag asa." Ngumisi siya at parang ang bilis ng pangyayari, tumilapon ang kanina ay hawak hawak ko lang na nga samurai ko. Bigla siyang bumwelo at inatake ako gamit ang gaunlets niya pero mabilis din naman akong nakailag sa mga atake niya. Bigla siyang huminto sa pag atake at tumitig sa'kin ng nakangisi. " Oh ano? Tamaan mo rin ako." Nakangisi kong ganti sakanya. " Hindi ba kita tinamaan? "



" Ang layo ng mga atake mo boy. "



" Talaga? " Biglang umikot ang paningin ko kaya mabilis akong napaluhod. Shit, anong nangyari? Pagtingin ko sa katawan ko ay tsaka ko lang nalaman na ang dami ko na palang mga sugat. Bakit ako tinamaan? Kitang kita ko naman ang mga atake niya kanina at sigurado akong nailagan ko 'yun lahat.



Kaya bakit?




Muli kong ibinaling ang tingin ko sakanya. Nakangisi lang ito. Dafak! Muli ay nag stance na naman siya at mukhang susugurin ulit ako. Pinilit ko ang tumayo, at kasabay ng pagtayo ko ay siya namang pag sugod niya. Dahil sa mga sugat ko ay bumagal ang pagkilos ko, di ko nagayang iwasan ang malakas na atake niya kaya tumilapon ako. Putik! Para akong nakalmot ng isang malaking uso dahil sa matutulis na gaunlets niya.

VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon