Chapter 40

14 2 0
                                    

"Dalian mo, Rayburn! Sabi ko naman kasi sayo, maaga tayong matulog. Ang kulit kulit mo, para kang anak mo!"

Nanggigigil kong sermon sakanya habang s'ya ay tumatawa tawa lang.

"Nakakainis ka naman eh! Alam mo namang importante sa akin 'to!" Naiiyak kong turan.

He went to me and hug my head. He tousled my hair after.

"Shh, come on. Don't cry, it's your day today." He comforted.

Ngumuso ako pero pinisil n'ya ang pisngi ko. I glared at him.

"I hate you." I murmur but he only laughed it.

"I love you too." He said confidently. Kapal ng mukha talaga.

"Che, epal." Nakasimangot ko s'yang tinalikuran.

Kakatapos ko lang maligo at ngayon ay mag aayos na ako.

I'm graduating to day, kaya nga nagmamadali kami.

Paano ba naman, 11AM na kami nagising. Namuyat kasi kagabi ang hindot na lalaki kaya rush kami ngayong araw.

2PM ang start ng ceremony, mag aala una na pero nag aayos parin ako.

Damn it.

After reconciling with Rayburn, and declared our relationship with our families.

He proposed.

But guess what I did? I declined.

Akala ko hindi na n'ya ako kakausapin. He kept his silence for a week, pero pagkatapos non. S'ya rin ang lumapit sa akin. Doon namin napagkasunduan ang gusto kong mangyari. Kung ano ba ang plano.

Bago pa naman kasi s'ya dumating ulit sa buhay ko, iyon na ang desisyon ko.

Hindi naman rin ako masisisi kahit nino. Si Mommy Maia, sinabihan ako ng maarte. Pero ang dalawa kong pinsan na lalaki ay tuwang tuwa sa desisyon ko.

Para silang demonyong nagtutulak sakin hiwalayan ang Tatay ng anak ko.

Ewan ko ba, porket hindi maganda ang takbo ng love life nila. Gusto nilang pare-pareho kaming  sawi sa pag-ibig.

Hindi naman sa hindi ko  gustong pakasalan si Rayburn. But I promised my self I needed to graduate first. I wanted a diploma. Something I can give as tribute to my self and to Papa.

Pakiramdam ko kasi, kung pumayag ako sa gusto n'ya, hindi na ako makakapag tapos. Isa pa, gusto kong magtapos na dala dala ang apelyidong Zoyle.

And during that time, I was still scared. Akala ko masyado nanaman kaming mabilis, gusto ko lang 'din namnamin ang oras na kasama s'ya, silang dalawa ni Mely.

I resumed my study in St.Ive's. My friends are very happy about my decision.

Si Aly ang nag ayos ng mga papeles na kailangan ko, and because I once studied there. I didn't struggle that much.

Si Pheobe,  sinigurado n'yang sasabayan n'ya akong mamili ng gamit sa skwela.

We felt like a teen again. Of course, I also bought school supplies for my daughter because she's finally entering grade school then.

Kung 'dati, ako ang pinaka bata sa klase. Nang magaral ulit ako. Isa ako sa mga 'ate'. It was a different feeling than the last time I studied.

Everything is new, although nakilala ako ng mga dati kong prof, wala na ang ibang pamilyar na mukha ng university.

Graduate na lahat.

Nahuli ako, pero heto na.

Ngayon araw ko na makukuha.

Mnemosyne's YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon