Chapter 27

4.3K 172 31
                                    




Scent

🍀🍀🍀🍀

Isang mala angel na boses ang gumising sa akin. Napamulat ako at kitang-kita ko ang isang magandang babae sa harapan ko ngayon.

I hadn't seen her before, but her face was familiar, and her voice soothed my soul.

"Come on here, darling. I'll show you something."

Hindi ko alam pero sumama ako sa kanya. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nakasuot siya ng puting bestida at mahaba ang buhok niya. Nagtataka ako nang matitigan ko ang paa niya dahil wala siyang suot na stinelas lang siya.

When I looked around, the place was like heaven for me. Where am I? I can't remember this place; I'm sure I have never been here.

Puno nang malalaking puno at magagandang bulaklak ang buong paligid. Maraming bulaklak sa paligid at ang huni ng ibon lang ang naririnig mo. May iba't-ibang klase pang paru-paru.

Nahinto ako nang bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin.

"See that, darling?" Turo niya sa kabilang bundok.

"Do you want to go back there?"

Huh? Bakit? Sa naguguluhang isip ko. Ang layo naman at bakit pa ako babalik doon? Ang layo-layo na at nakakapagod ang lakad ko. Pagod na din ang katawan ko at mas gusto kong dito na lang na kasama siya.

Umiling-iling ako at taimtim na tinitigan siya. Hindi ko siya kilala, pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. I love her scent. Parang ang sarap sa pakiramdam. Ngumiti siya sa akin at naglahad nang kamay niya. Tinangap ko naman ito at ngumiti pa.

"Lucinda."

Isang malamig at baritonong boses ang narinig ko mula sa likod, kaya napalingon ako rito.

Matangkad siya at maamo ang gwapong mukha. Matigas ang tindig at ang kinang nang liwanag sa mukha niya ay magaan sa pakiramdam ko. May naalala ako sa kanya. Parang nakita ko na ang anyo niya. Kaya lang katulad din ng babae sa tabi ko ay hindi ko rin maalala kung saan ko sila nakita.

Binitawan ng magandang ginang ang kamay ko at yumakap siya sa bisig ng lalaki, na nasa harapan ko ngayon.

"Hindi siya puwedeng sumama sa atin, Lucinda. She's carrying a beautiful life inside her and someone is waiting for her return." Sabay haplos niya sa mukha ng ginang.

Parang nahabag ang puso ko sa mga sandaling ito at pumatak na ang luha ko ngayon. Kilala ko sila, kilalang-kilala ko silang dalawa.

"Ma. . . Pa. . . "

Maaliwas na ngumiti sa akin silang dalawa. Gusto ko sanang humakbang papalapit sa kanila pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Ang bigat ng mga paa ko at parang napako ako sa kinatatayuan ko.

"Ma, Pa, isama niyo na ako," patak ng luha ko. Ngumiti si Mama at higpit na yumakap sa bisig ng ama ko.

"Lucy Skye, follow your hearts desire, anak. Patawarin mo ako sa mga binitawan kong pangako ko noon at hindi namin natupad ng Mama mo. Mahal ka namin, anak," ngiti niya.

"Sige na, anak. Bumalik ka na. Malayo pa ang tatahakin mo," ngiti ni Mama sa akin.

Hindi na ako nagsalita at nakikita ko na lang ang pagtalikod nilang dalawa sa akin. Hanggang sa kinain na sila nang liwanag at nawala na silang dalawa sa paningin ko.

***

Maingat kong minulat ang mga mata ko. Masakit ang buong katawan ko at hindi ko maigalaw ang kaliwang kamay ko. Kitang-kita ko ang iilang mga tao sa paligid na nag-uusap. Hindi ko maaninag masyado ang mga anyo nila, kaya makailang ulit pa ang pagkurap ko.

Chasing Skye (S1) ✅ Where stories live. Discover now