Chapter 23

4.4K 177 34
                                    


Tahimik kaming nakabalik sa Cebu. Bumalik sa dating routine ang buhay ko.

It's been two weeks since the incident happened on the Island, and I haven't heard anything from Liam.

Naiintindihan ko naman iyon, dahil mahigpit pa si daddy sa akin. Si Mommy naman ay okay na. Palagi siyang nasa tabi ko. I can see she's trying hard to support me emotionally.

Tinawagan ko na rin si France. Para kumustahin ang lahat sa Demoirtel. It's all okay there. At halos lahat sa kanila ay wala na roon. Nakatangap din ako ng tawag kahapon mula kay Summer. I think she's running away. May problema 'ata. Kaya inatasan ko na si Kuya Bimbo na alaagan muna siya, dahil buntis siya.

Nagpaalam na si Kuya Bimbo kay Daddy. He's resigning from his job and wants to settle down and live a simple life.

Alam ko ang hirap na pinagdaanan niya sa buhay. He was like a big brother to me. And I'm so happy that he helped me a lot before. Kung hindi dahil sa kanya, ay hindi ko siguro matututunan ang ibang bagay sa paligid ko.

For the past two weeks, I have felt more confident in myself. Of course, I still have fears inside me, but I set them aside.

Natatakot pa din naman ako sa ama ko. Pero hindi na tulad ng dati. Alam ko na hindi pa rin nagbabago ang kasunduan nila sa mga Mondragon, at haharapin ko sila para matapos na ang lahat ng ito.

Part of me was still confuse. . . Liam is a Turner-Mondragon. Inisip ko kung ano ang ugnayan niya sa mga totoong Mondragon na konektado kay daddy. Hindi ko alam, at wala akong alam dito. I just miss Liam so much, na miss ko na siya ng sobra-sobra sa loob ng puso ko.

INAYOS ko lang ang sarili habang nakatingin sa malaking salamin. I'm wearing a silky cream dress and its long. It perfectly fitted my body.

Tonight is a significant event for our family. This is the night that I will officially meet Dj Mondragon. I will not run away anymore, and I will talk to him. I hope he will listen to me.

"Handa ka na ba, anak?" si Mommy sa akin kararating lang niya.

Binigyan ko siya nang matamis na ngiti. Ang ganda pa rin niya at wala pa rin nagbago sa kanya. She looks demure and elegant at her age. Nakasuot siya ng pulang mahabang damit.

"Ang ganda mo pa rin, Mom. Walang nagbago sa 'yo," ngiti ko. Niyakap na niya ako at mariing tinitigan sa mata.

"Hija. You can always say no. It's your choice okay?" Sabay ayos niya sa buhok ko.

I nod and smile at her. This past few days I noticed the changes. Dad is more calmer towards me. He's a man with few a words. Hindi siya palasalita, pero ramdam ko ang pag iba ng ugali niya.

"Thank you, mom, and I love you." Sabay yakap ko.

"I love you too, anak. Ang swerte namin ni Frederiko sa' yo. Ikaw ang lucky charm namin anak. Kaya mahigpit ang ama mo sa' yo. Sana naintindiha mo siya, Lucy." Titig at yakap ni mommy sa akin.

"I know, mom. At sana maintindihan ninyo rin ako. Kung hindi ko pipiliiin si DJ Mondragon."

Tumango na si mommy at wala na siyang ibang sinabi pa sa akin. I know she understands my feelings, and I know she will support me. However, I do hope that dad will do the same too.

IT'S past seven o'clock and everything is ready. Naka-set up na ang lahat sa labas ng bahay namin. We're having a private family gathering. Kasama na ang iilang mga tao na kasama ni daddy sa negosyo. And of course, the highlight for tonight si DJ Mondragon.

Humarap na agad si daddy sa akin. Nakangiti siya. He's very formal, wearing his tuxedo. Pinagitnaan nila ako ni mommy.

"Ready, hija?" baritonong boses ni daddy.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon