Chapter 13

4.8K 226 47
                                    




Worried


Maganda ang gising ko. Nakangiti pa akong pinagmasdan ang sarili sa salamin habang tinatali ang mahabang buhok. I don't know what time Liam woke up. He was no longer beside me when I wake up this morning.

Last night was a torture with him beside me. Hindi ako nakatulog ng maaga at mabuti na lang at lumabas siya, at ewan ko lang kung anong oras nakabalik sa kwarto, dahil nakatulog na ako at hindi ko na alam pa.

It's eight o'clock already. Late na nga siguro ako sa breakfast namin, kaya nagmamadali na ako ngayon. Ewan ko ba kung anong meron dito sa isla at palaging nahuhuli ang gising ko. Dahil siguro sa preskong hangin at malayo sa stress at gulo ng buhay ko.

Nang makalabas ako ay nilingon ko muna ang kabilang cottage. I know Amanda's stayed there last night.

Gising na kaya siya?

Nagpatuloy na ako sa paglakad hanggang sa marating ang restaurant.

"Good Morning, Miss Skye," ngiting bati ng isa sa mga staff sa paanan.

"Morning, si Liam?" Nagtanong na ako. I just want to make sure if nasa loob na ba siya bago ako umakyat pataas.

"Oo, Ma'am. Nasa taas na. Hinihintay na lang po kayo," ngiti niya.

"Okay. Salamat," ngiti kong balik sa kanya. Inayos ko agad ang sarili habang paakyat sa hagdanan.

Nang makarating sa itaas ay nakita ko agad si Liam. Tumaas lang din ang kilay ko nang mamataan ko si Amanda na nakaupo sa harapan niya, at may isa pang lalaki na kasama ito.

"Good Morning," sabay halik ko sa pisngi niya.

Since fiancé ang pagpapakilala niya sa akin kay Amanda ay pangangatawanan ko na. I'll mark what's mine in front for her. I don't care.

"Sorry. Nahuli ang gising ko."

Umupo na ako sa tabi niya at binigyan niya ako nang halik sa labi.

"Napagod ba kita kagabi?" Sa pabirong tanong niya sa harap nila at nakangiti na.

Tinaasan ko siya nang kilay. Natatawa ako, best actor din naman pala 'tong mukong na 'to. Nilagay na niya ang kamay niya sa bandang hita ko at mariing ngumiti sa akin.

"I don't think I can sleep in the same room with you tonight. Mababaliw ako," mahinang bulong niya sa taiga ko.

Nakikiliti man ako sa ginagawa niya ngayon ay natawa na rin. I know what he meant by that. And that alone doesn't need to be explain. I pouted at him and smile teasingly.

"Don't tease me, Skye. You might regret it later," he whispered.

Ngumiti na lang ako. Tumikhim naman ang lalaki na nasa harapan namin ngayon. Kaya nag angat na ako nang tingin sa kanya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin.

I lifted my eyebrows and smiled at him. Then I remember him, si Gerald!

"Gerald?"

How can I forgot his face. Siya ang dahilan kaya nakatakas ako sa mga tauhan ni DJ Mondragon sa barko. I never expected to see him here. Magkaibigan sila ni Liam?

"Lucy Skye Martinez. Ang liit nga naman ng mundo," ngiti niya.

"How are you?" nagtanong na ako. Hindi ako makapaniwala.

"I'm good. Thanks. Ikaw pala ang tinutukoy sa akin ni Liam?"

"Do you know each other?" si Amanda. Nagtanong na siya kay Gerald.

Tumango si Gerald sa kanya. Pero nakatingin ang mga mata niya kay Liam sa tabi ko.

"It's a long story but to make it short, naging Batman at Robin kami ni Liam noong araw na iyon," ngiti niya.

Chasing Skye (S1) ✅ Where stories live. Discover now