Chapter 7

6.7K 269 112
                                    




Passionate Kisses

It was a great night. Hindi ko malilimutan ang kabaliwan na ginawa ni France sa bar. Para siyang nakawala sa hawla at sumasayaw na parang sira. Mabuti na lang at may personal driver kami at nakauwi kami ng buo ang mga sarili. I thought boyfriend niya 'yon. Iyun pala, hindi pa! Kaya nagwala ang bakla dahil nabasted 'ata!

Masakit ang ulo ko nang magising. Gumawa agad ako ng kape sa sarili. Tinitigan ko pa ang relo na nasa dingding. It's late, very late. Alas onse na. Kaya pala nakaramdam na ako ng gutom. Nilingon ko ang pinto ng kwarto ni France. I'm wondering if he's awake already.

Wala muna akong pinirmahan na buong kontrata. Isang linggo lang ang pinirmahan ko galing kay Madame X. Nakasaad sa kontrata na iyon ang desisyon ng kliyente ko. If he will take me, then Madame X can name her price and if he won't? I can go back here in Demoirtel and will sign a year contract.

Kinuha ko ang tinimplang kape at humarap sa malaking bintana. Masaya kong pinagmasdan ang iba't ibang halaman ni France na nasa balkonaheo niya. Kagaya niya, mahilig din ako sa halaman. Na miss ko tuloy ang maliit na greenhouse na meron ako sa bahay.

"Good Morning, Skye!" Si France sa likod ko.

Nilingon ko siya. Ang gulo-gulo ng mukha niya at natatawa na ako. Epekto nga siguro nang ginawa niya kagabi.

"How are you feeling bakla? Grabe ka kagabi ha."

Sinunod ko siya nang tingin at kinuha niya ang tasa at nagtimpla ng sariling kape.

"Ugh, hang over is real dear, Skye. And my heart is bleeding," taas kilay niyang harap sa akin.

I chucked. Nakakatawa kasi ang sinabi niya. Tinitigan niya ako sa mata at tumaas baba pa ang kilay niya.

"Skye my dear pag ikaw na in love sa isang beast turner na 'yon patay ka talaga!"

Nagkabit balikat ako. I don't think I will easily fall in love with him. No way! Ayaw ko sa isang playboy. Obvious naman na playboy siya. He's a VIP in this business. So what do I expect?

"Hindi mangyayari iyon bakla. Kayahuwag kang mag alala."

Umikot ikot lang din siya sa harapan ko.

"He will see you tomorrow night. Handa ka na ba? Hang on let me rephrase... Handa ka na ba sa lahat ng pwede niyang gawin sa 'yo?" Sa mala manyak na ngiti niya.

Kinabahan na ako at napalunok pa habang pinagmamasdan siya. Handa na nga ba ako talaga? Hindi ko alam at bahala na!

"I think so."

I twisted my mouth while looking at him. He raised his eyebrow and laughs!

"Baliw ka talaga, France!" At umirap na ako.

"Let me remind you, Skye. You can't say no to the beast turner."

Hinarap ko agad siya. "How sure you are France that he will take me? Don't worry pang one night stand lang naman ako sa kanya," kindat ko.

Tumaas naman ang kilay niya at naguguluhan sa inasal ko ngayon.

"Skye? You're a virgin I know! Your eyes can't tell lies. Take this with you."

May hinagis siya sa akin at sinalo ko lang din. Nang tiningnan ko kung ano ito nanlaki ang mga mata ko.

"M-morning pills? Ano 'to?"

Ako naman ngayon ang inirapan niya. Nakangiti pa ang mukha niya. Bakla nga talaga! Pero tama nga naman siya. Hindi na tuloy ma proseso sa utak ko ngayon ang mga mangyayari pa mamaya.

Chasing Skye (S1) ✅ Where stories live. Discover now