Chapter 3

7.9K 300 121
                                    



I am still thankful to what happened today. Muntik na talaga ako roon. Mabuti na lang at may mabuting puso na tumulong sa akin. I'm sitting here in the business class area. Inakala ko tuloy nagkamali ang flight attendant sa detalye, pero hindi pala. It's under Gerald Gonzales' name but noted with my name. He made the last call and notified the airlines.

Mariin kong ipinikit ang mga mata. I'm so tired. I need to have a nap and, in an hour, I will be in Manila. The flight attendants served us our meals. Kinain ko lahat ng ibinigay nila. Then, I slowly scroll through the iPad screen in front of me. Halos lahat ng mga movies ay narito sa screen. It's free to watch. Umayos ako sa pagkakaupo at inilagay ang headset sa ulo ko. I'm only listening to the music, para kahit papaano ay maalis ang kaba sa puso ko.

After an hour, the captain spoke. We're going to descend in five-minute, kaya inihanda ko na ang sarili at nagdasal na. If there's one thing in life I learnt from mommy, that is praying. Relihiyoso si mommy. She's very active in those aspects. Samantala, iba naman ang kalakaran ni daddy.

Ramdam ko kaagad ang paglapag ng eroplano sa lupa. Maya't maya ay naghanda na ang lahat at nauna na kaming lumabas. Kakaiba ang hangin dito sa Metro Manila. It's wet and humid, iba sa nakasanayan kong hangin sa Cebu. Itinali ko ang buhok ko, at lumingon sa gilid ng NAIA terminal 2 building. I know they can assist you here for bookings. Kaya lumapit na ako sa isa sa mga guwardiya rito.

"Excuse me? May alam po ba kayong nag a-assist para sa hotel?" tanong ko, ngumiti naman siya sa akin. Mukhang mabait naman si manong guwardiya.

"Naghahanap po kayo, Ma'am? Saan ba ang gusto ninyo, Ma'am? May malapit naman po rito."

Nag isip ako, ang alam ko malayo ang Makati at ang mamahal ang mga hotels accommodations doon.

"Uhm, iyong malapit lang po sana rito, manong."

"Okay, Ma'am. Maghintay lang po tayo sa gilid, Ma'am. Tatawag po ako para sa inyo at p-pick-up-in po kayo, ma'am," aniya sabay dial sa teleponong hawak niya.

"Salamat." Umupo ako sa gilid para maghintay. Tinanggal ko muna ang bag pack na dala at niyakap ito. Tatlong t-shirt lang ang dala ko at isang jeans. Huminga ako nang malalim at nag-isip sa sarili kung ano ang maaari kong gawin para mabuhay sa susunod pang mga araw.

Pagkaraan ng limang minuto ay nahinto ang puting van sa harapan ko, lumapit si manong sa akin.

"Ma'am, nandito na po ang sundo," saad nito nang nakangiti. 

I know he's helping me well. Kaya binigyan ko siya ng fifty pesos, pang snack niya. Gusto ko pa sanang dagdagan kaso wala na akong pera. Nagpasalamat na rin ako sa kaniya. Nasanay kasi akong nakikita si mommy na namimigay ng pera sa kahit na sino. Especially, if there's a special occasion in the local communities and churches. Namumudmod si mommy ng pera. Eh, wala naman siya sa politika!

Pumasok ako at pumuwesto. Isinuot ko ang seatbelt.

"Hello po, Ma'am," saad ng driver.

"Hi," ikling sagot ko at hindi na ako nagsalita.

It only took us five minutes. Ganoon lang pala kalapit ito, malapit lang talaga sa airport. It's The Wine Museum Hotel. Pagkababa ko sa sasakyan ay siya ang nagbukas ng pinto ng hotel para sa akin.

"Pasok po, Ma'am."

"Salamat sa paghatid, ah."

"Walang ano man po, ma'am. It's our duty to serve our customers."

Napako agad ang paningin ko sa babae na nasa front desk. Nakangiti siyang nakatitig sa akin. Tiningnan ko kaagad ang amenities nila at kinuha ang pinakamura.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon