Finale

4.2K 148 27
                                    




Finale


"Kick! Kick!" si Avery sa kalaro niya.

"Ano? Kulang pa ba?" si Logan kay Avery.

"Oo. Hindi pa patay ang kalaban eh." Turo ni Avery sa mascot toy.

"Alam mo. Ganito lang kasi 'yan eh."

Kinuha na ni Logan ang baril na laruan sa gilid. Tunutukan niya ang mascot toy. Pero kinuha ni Avery ang baril na laruan sa kanya.

"Ay, 'di pwede 'yan! We don't shot if there's no order from the big boss, Logan."

"Ay, ganoon ba?" tawa ni Logan kay Avery.

"Hay, naku! Akala ko ba gusto mo maging katulad ng Daddy Clyde ko?"

Umupo na si Avery katabi ang maskot toy na pinaglalaruan nila kanina. Tumabi naman si Logan sa kanya.

"Gusto ko lang ang work ng Daddy mo, kasi ang cool niya. Para siyang nasa pelikula. Iyong mission impose. . . 'ata iyon? Nakalimutan ko!" Napakamot sa ulo si Logan habang nakatitig kay Avery ngayon.

"Mission Impossible iyon!" pagtatama ni Avery sa kanya.

"Oo, iyon nga!" Tawa ni Logan.

"Ang cool din kaya ng Daddy mo, alam mo ba?" si Avery.

Kumunot na ang noo ni Logan habang nakatingin kay Avery. Nalilito 'ata siya.

"Si Daddy ko? Abala siya palagi sa negosyo eh. Gusto ko sana sumama sa kanya sa shooting range, kaso bawal daw ang bata roon," reklamo ni Logan.

"Kaya nga! 'Yan din ang saba ko sa 'yo 'di ba? Ang bobo mo talaga!" Tawa ni Avery.

"Pagbutihin mo muna ang karate mo. Black belter junior na ako, e, ikaw puti pa rin ang hawak mo," si Avery sa kanya. Napakamot sa ulo si Logan habang tinitigan si Avery.

"Makikita mo next term black belter na ako. Tatalunin kita!" Tawa niya.

Napatayo na si Avery. "Alam mo ba ang common denominator ng mga Daddy natin?" tanong ni Avery kay Logan.

Napakamot sa ulo si Logan. "Ano? Nakakalito ka naman, Av eh."

"Eh 'di ang mga mommy natin."

Natawa ako nang marinig ko ang sagot ni Avery kay Logan. Nakakaloka 'tong mga batang 'to. Kaya tinawag ko na.

"Hey, Logan, Avery, come here! Tama na 'yan."

Akala siguro ng mga batang ito ay hindi ko narinig ang pag-uusap nila. Kanina pa ako rito at lihim na nakikinig sa kanila.

Logan is six years old. He's super hyper. Kaya palaging marumi ang hitsura sa tuwing naglalaro silang dalawa ni Avery. Samantalang kakaiba naman si Amber. Mahilig maglaro sa mga little shopkins niya.

"Mommy? Can you pass me, my little dummy, please?" Nagpa-cute ni Amber sa akin at pouty lips pa.

"Here, baby," ngiti ko. Inabot ko na ito sa kanya.

"Taaa!" She giggled.

Amber is 4 years old, and at her young age, she's very clever and well-mannered.

Hindi ko alam kong saan niya nagaya ang pagiging demure type. I'm sure kay Mommy. Madalas kasing hinihiram ni Mommy sa akin si Amber.

Nasa likod kami ng bahay, sa harden. It's an open area. Makikita mo kaagad ang dagat. Kapit-bahay namin dito sa Italy ang mga magulang ni Avery, sina Clyde at Serenity Blumer. Masaya ako dahil kahit papaano ay may pinay akong kaibigan dito.

Chasing Skye (S1) ✅ Kde žijí příběhy. Začni objevovat