Chapter 16

4.5K 187 74
                                    


Nang makarating sa Demoirtel ay mabilis din na binigay sa akin ng receptionist sa front desk ang susi sa unit ni France. Ka muntik ko pa tuloy mabanga ang isang batang babae na kasama ang kanyang ina.

"Sorry." Yuko ko. Hindi na ako nag-angat ng tingin sa kanya. Nilingon ko sila. Sinunod niya ako nang tingin. Kilala ko siya, si Esperanza at ang anak niyang si Reece.

"Mamu. Umiiyak iyong babae oh." Turo ng bata sa akin.

"It's okay, anak. Magiging okay rin siya. Halika ka na."

Tumitig lang si Espreranza sa akin at pilit akong ngumiti sa kanya at tumango. Nang marating ang unit ni France at nakapasok na, ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili.

I cried hard and loud. I cried with all of my heart. Iyong iyak na parang bata na inagawan ng candy. Hindi ko naman inakala na iba ang makikita ko ngayon. Kaya pala ang tagal niyang bumalik sa Isla, dahil may ibang babae na siya! Bwesit ka talaga, Liam! Nakakainis ka!

Itinapon ko na tuloy ang isa sa mga unan ni France na nandito sa upuan, at napaupo ako sa sarili habang umiiyak na parang baliw!

Hindi ko alam kung ilang oras na ang iniyak ko dahil nakatulog ako. I woke up and stared at the clock. Lagpas alas syete na at wala pa si France. Tumayo na ako at nagtungo sa refrigerator. Kumuha lang ako ng malamig na tubig at ininom ito.

I kept walking back and forth while holding the glass of water in my hand. Para akong baliw na wala sa sarili. I couldn't think of anything else because my heart still grieved in pain.

Damn it! Pesti ka talaga, Liam! Magsama kayo ng babae mo! Sigaw ng isip ko.

Natulala na ulit ako sa sarili at naubos na yata ang luha ko dahil wala nang ilalabas ito. Humarap ako sa salamin at tinali ang mahabang buhok. Mugto tuloy ang mga mata at masyadong halata.

"Shit this Skye, ang ganda mo tapos nagpaluko ka? Ang bobo ko talaga!" Salita kong mag-isa. Huminga ako ng malalim at kinuha ang susi sa unit France sa ibabaw ng mesa.

Tonight I will party, and I don't care. Bahala na!

I know Demoirtel have an exclusive bar for everyone inside. Minsan na akong napunta rito noong naglilinis ako.

Mabilis kong inayos ang sarili ko at lumabas sa unit ni France. Wala ako sa sarili ko, at gusto kong uminom para makalimutan ko ang eksenang naabutan ko kanina.

Pagkapasok ko pa lang ay ang ingay mula sa loob ang sumalubong sa akin. Malakas ang musika rito at nakabibingi ito. Bahagya akong natawa sa sarili at napailing na. Pumuwesto ako sa may bakanteng area sa harapan ng bar. Dalawa ang serving bartender nila, at umupo agad ako sa bakanteng upuan.

Nang mapako ang paningin ko sa babaeng bartender ay nabigla ako, si Empress ito.

Nakataas ang kilay ko habang pinagmamasdan siya. Kailan pa siya naging bartender dito? Sa pagkakaalam ko kasi ay isa siya sa mga elite hooker. Bakit ngayon nagiging bartender na? Ang gulo lang din ah!

"Isang shot ng jack daniels tennessee whiskey please," ngiti ko sa lalaking bartender sa harapan. Napatitig siya ng husto sa akin na tila naguguluhan sa hinihingi ko.

"Are you sure, Miss? Ang tapang kaya nito," kunot-noo niya.

Yes, I know. Alam kong matapang ito dahil ito lang naman ang iniinom ni daddy palagi sa bahay. At isang beses kong nasubukan ito noon, noong gusto kong magwala!

I don't drink, not at all. Pero ngayon iba na 'to at gusto kong maglasing sa sarili.

"Yes, and don't worry dahil kaya ko 'to," kindat ko sa kanya.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon