Chapter 6

6.9K 243 104
                                    




The Beast Turner



Halos hindi ako makaupo. I can't believe it! I got bid without my knowledge! Kasalanan 'to ni baklang Hugo. I thought every employee will have their own photoshoot, kasama na ang mga janitress. Hindi ko naisip 'yon! Bloody stupid, Skye!

Palakad-lakad ako. Hindi ako mapakali. Nilingon ko si France na nasa harapan ng refrigerator. Huminga siya nang malamin at matigas na sumigaw.

"Bwiset na Hugo!" Asik niya habang bitbit ang dalawang bote ng mineral water, ibinigay niya sa akin ang isa.

"What do we do now, France? May pag-asa bang i-cancel ang winning bid?"

Seryoso niya akong tinitigan, tila ba naguguluhan din sa nangyayari. Ang tanga ko rin! Kasalanan ko 'to. Ganito ba talaga ako?

Una, iyong nangyari sa barko, hindi ko kilala si Gerald pero sumama ako. Mabuti na lang mabait siya at gusto lang akong tulungan. 

"Alam mo ba, Skye, sa lahat ng kliyente namin, ang Head Turner Beast ang pinaka-metikuloso? Open bidding ang ginawa niya sa 'yo!"

Namutla ako at mas kinabahan pa. I felt the cold gush of wind penetrating my skin. Para akong nakatayo sa isang malamig na lugar na hubo't hubad!

"Meaning, we can name our price, Skye."

"Ano? May ganoon ba?"

"Oo, at ang na-iisang head turner beast lang ang nakagagawa ng ganito. Ikalawang beses na 'to na ginawa niya. Ang una, matagal na. Mga lagpas isang taon na rin."

Napatalikod ako at yumuko. Somehow, curiosity hits me about him since he's a VIP in this business. Obviously, he can easily f*ck every girl he wants. I swallowed hard and looked back at France.

"What happened to the girl?"

Natahimik si France at nagpakawala ng malalim na buntonghininga.

"She's in America now, Skye. Iba kasi ang kuwento ng babaeng 'yon. To begin with, hindi naman talaga siya para sa rampage. She crawled in here to get what she wanted. She wants the beast turner, at nakuha naman niya. Kilala nila ang isa't isa kaya naging open bidding."

Hmp, first love niya?

Umupo ako sa tabi ni France. Imbes na matakot ako ngayon, ay mas interesado pa tuloy ako sa beast turner na iyon.

"Is he that good looking, France? Hindi ba siya mataba na matanda?"

Umiling-iling si France na nakatingin sa akin. "Hindi ko alam, Skye, tatlo pa lang kasi ang nagamit niyang babae rito, at lahat sila wala na rito. The beast turner ended their contracts."

"Bakit?" curious kong tanong.

"It's confidential, Skye. Hindi ko rin alam at tanging si Madame X lang ang may alam. Sumasakit ang ulo ko sa 'yo. Ewan!"

"If you're that curious, then be friends with him. Baka matulungan ka niya sa problema mo. He might even buy your contract, too," suhestyon niya sabay tayo.

"Anong contract pinagsasabi mo? Eh, wala nga akong pinirmahan dito?" pabalik na tugon ko.

"Gosh, Skye!" Dabog niya sa harapan ko. "Kapag nalaman 'to ng kuya ko, tiyak papatayin ako no'n dahil nabenta ka ni Hugo! My goodness, mother earth! Ano ba 'to!?" Hinilamos niya ang kaniyang palad sa mukha.

"Pag-iisipan ko, baka pipirma na lang din ako, France."

Mabilis niya akong nilingon. "Are you serious? Hindi mo alam ang kalakaran dito, Skye!"

Nagkibit-balikat ako. To think, tama nga naman siya. Wala akong alam sa kalakarang Maynila. Iba ang buhay ko rito.

I ran away from my parent's greed. I need a life. I'm also human and I can decide for my own. If I choose the wrong path, its not anyone's fault but mine.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon