Chapter 15

4.8K 191 78
                                    




Surprise


Days had passed, and I was still here on the island. I'm happy here. I feel the happiness and the freedom inside me. Liam goes back and forth to the city because of business.

Hindi rin kasi puwedeng pabayan ang trabaho niya, at kahit na gusto kong sumama sa kanya ay ayaw naman niya.

It's been five days, and he's not back yet on the island. I honestly miss him so much. Gustong-gusto ko na siyang makita. Kaya nakapag desessyon ako na puntahan siya sa Maynila. This time I will surprise him in his office, and I'm excited!

I know they have deliveries for food and other items that need to be picked up in the central city.

Kinuha ko na ang pagkakataon na ito para makisabay sa yate. I told the captain and he knows, kaya pumayag silang isama ako.

"Baka mapagalitan tayo ni Sir Liam, Ma'am. Ayaw pa naman niya na umalis ka sa isla, dahil delikado raw sa 'yo," saad ni Don, siya ang kapitan ng maliit na barkong ito.

"Don't worry, Don. Hindi kita ipapahamak dito," ngiti ko.

"May bibisitahin din ako na kaibigan sa Makati at tamang-tama ito. Huwag kang mag-alala babalik ako mamaya bago kayo bumalik sa isla."

Oo, babalik din ako. Bibisitahin ko na rin si France. Tinawagan ko na siya kanina, at dahil hindi naman malayo ang tower ni Liam sa Demoirtel, ay dadalawin ko na lang din siya.

"Okay, Ma'am. Mag ingat po kayo, okay?" ngiti niya.

NAKARATING din kami agad. Nagtaxi na lang din ako. Alas dyes na ng umaga nang marating ko ang Makati, at dahil maaga pa ay una ko na lang pinuntahan si France sa Demoirtel.

Pumasok ako sa loob at naalala ko tuloy ang unang araw ko rito, at ang katangahan ko kay Hugo. Kung hindi nga naman dahil sa kanya, ay hindi ko makikila si Liam sa buhay ko.

"Guess who's here? Ang ganda, girl!" Tili ni Hugo.

"Kumusta? Si France nasa itaas ba?"

"Ay, wala si France ngayon, Skye, mamaya pa 'yon. May inasikaso kasi siya. Kaya umagang umalis. Alam ba niya na papunta ka rito?" arteng boses ng baklang Hugo.

"Oo. Alam niya, kaso medyo napaaga ako. Tanghali pa kasi ang sinabi ko. Kaya okay lang babalik na lang ako mamaya."

"Mas gumanda ka 'ata girl. Ang laki ng nagbago sa 'yo," titig niya sa kabuuan ko, "and by the way how's the beast turner? Okay ba siya? Is he godlessly handsome?" maarteng boses niya at bahagya na akong natawa.

"Alam mo pareho talaga kayo ni France ng utak ah." Pamaywang ko sa kanya.

Humalukipkip na siya at tinaas ang kabilang kilay. Ngumiti na ako.

"Well, you know. Alam naman natin na binili ni beast turner ang contrata mo. And since wala naman akong nakikitang masama sa mukha mo. Ibig sabihin adonis ang nakuha mo," arteng tawa niya.

"Ay, ewan ko sa 'yo Hugo! Bahala ka na nga." Tumawa akong nakatalikod sa kanya. Pero bago paman ako makalabas ay nilingon ko ulit siya.

"Pakisabi kay France babalik ako ah. Okay bye, girl!" Sabay kaway ko at kumaway rin naman siya.

Mabilis din akong pumara ng taxi. I know Liam's tower is closer here, and I will go there first. I will surprise him. And after three minutes, I arrived at the area.

Nagbayad lang ako sa taxi at nagpasalamat na din. Hawak ko ang pouch kasama na si squishy. Huminto muna ako at tiningala ang kabuuan ng building tower na pagmamay ari niya.

I feel so much excited and I can't wait to see him inside. Naka-skinny jeans lang ako at off shoulder loose na damit. Naka flat na sapatos lang din. Sinadya ko talagang ganito ang suotin ko dahil puro lakad kasi ang mangyayari sa akin sa araw na ito.

Chasing Skye (S1) ✅ Where stories live. Discover now