Chapter 31

3.1K 110 5
                                    


The chase is over


"Are you okay?"

I nodded and rested my head on his shoulder. The sun is completely hiding and shinning on the other side of the globe. Nagsimula na rin lumamig ang hangin sa paligid. Mas humigpit na ang pagkakayap ni Liam sa akin ngayon.

"I am the luckiest man in the world," titig niya sa akin.

"You're most definitely is," ngiti ko sa kanya. Natawa na ako habang tinititigan ang seryoso niyang mukha.

Our laughter rises as Liam tease me with tickles and giggles. Kamuntik pa tuloy akong matumba dahil sa sobrang tawa naming dalawa. Ang baliw rin niya, dahil kiniliti niya ako nang sobra.

"Tayo na!" saad ko.

Kailangan ko ng bumalik ng bahay. Baka hinahanap na ako nina Mommy at Daddy. Mabibigla 'yon pag nalaman nilang nandito si Liam.

"Sa bahay ka na magpalipas ng gabi," ngiti ko. Napahinto siya sa paghakbang at mariing tinitigan ako.

"Have I told you that I have a house here?"

"What?" Tumaas na ang kilay kong napatingin sa kanya.

Ang daming sekreto ng mukong na 'to na hindi ko alam. Well, I didn't asked him before and that makes sense. Kung iisipin mo nga namang maigi ay magkabarkada ang bawat ama namin, kasama na ang namayapa kong ama. So hindi na bago kong silang tatlo ay may bahay rito.

"Ikaw ha, sa bahay muna tayo para malaman nila mommy at daddy na nandito ka."

"They already knew. I went there first before coming here."

Napahinto ako sa paglakad at mas humigpit na ang pagkakahawak niya sa kamay ko. He smile at me teasingly and the message was clear by looking into his eyes. I smiled and shook my head.

Nawala rin agad ang ngiti ko dahil sa ingay ng cellphone ko. At nang tinignan ko kung sino ay si mommy ito.

"Hello, Ma?"

"Hello, hija. Liam will look after you for the moment. We're heading to Paris now, kami ng ama mo, and we will be back next week for the event, okay? Have fun, hija. And I love you!" si Mama sa kabilang linya.

Natulala ako at walang ibang masabi kung 'di. . ."Oh? O-Okay, Mom. I love you too." Sabay patay ko na sa tawag nito.

Nakataas ang kilay ko habang pinagmamasdan si Liam ngayon.

He crossed his arms while looking at me and smile. Mabilis na niyang hinawakan ang palapuksuhan ko at hinila ako para mapalapit sa katawan niya.

He slid his hand reaching for my waist, and in an instant, he carried me, like in a bride style. I wrapped my arms around him, and without any hesitation, I initiate the kiss. And the sweet warmth of his tongue sends an electrifying sensation all over.

"And what are you planning tonight, Mr Liam Mondragon?" My brow lifted and he teasingly smiled at me.

"You'll see when we get there." At maingat siyang naglakad na buhat ako sa mga bisig niya.


HINDI naman malayo ang bahay niya. Kung iisipin mo halos magkatabi lang ang bawat bahay namin. Maingat niya akong binaba nang nasa hagdanan na kami. Bago paman ako humakbang sa hagdanan ay pinahinto niya muna ako.

"Wait there, darling," excitied na ngiti niya sa akin.

Parang kiniliti na ang puso ko ngayon. Ano bang nakain ng mukong na 'to?

Chasing Skye (S1) ✅ Where stories live. Discover now