Chapter 1

9.8K 317 80
                                    



 "Dad, please." Pakiusap ko habang nakaluhod sa paanan niya. Halos hindi na ako makahinga nang maayos, pero pilit kong tinatagan ang sarili. Nakatayo si daddy sa harapan ko habang si mommy ay nakatingin sa malaking salamin.

Ibinaling ko ang tingin kay mommy. Baka sakaling maawa siya sa akin at kausapin si daddy, pero kaagad lang siyang umiwas sa titig ko. My tears are falling nonstop and I felt like dying. Mas mabuti pa siguro kung ganoon na lang kaysa nabubuhay ako na parang patay na buhay sa kanila.

"Mom, please, help me." Lumapit ako sa kaniya. Mariin niyang inayos ang mukha sa salamin na parang walang nangyari. Gusto ko siyang hawakan at yakapin, pero alam kong pati ito ay hindi puwede ngayon sa harap ng ama ko. Humarap siya at tumingala ako. I can't see her face properly, dahil sa walang humpas na agos ng luha na galing sa mga mata ko.

"Lucy, hija, listen to your dad. It's all for your future, anak. Ayaw mo ba?" mahinahon at maarteng tugon niya.

From the beginning, I knew I had no choice. I believed I would eventually gain my freedom if I could provide the best. However, my assumption was incorrect.

"Tumayo ka, Lucy, and fix yourself! They will be here in three hours. Huwag mo akong ipahiya!" buo at tigas na boses ni daddy.

"Stand up, hija." Inalalayan na ako ni mommy para makatayo. Pinahiran kaagad niya ang mga luha ko sa mata. Mariin ko siyang tinitigan at nagmamakaawa ang titig ko sa kaniya.

She can't even looked at me straight in the eyes. Iba talaga si mommy, ibang-iba siya. Then she guided me to sit down in front of the dressing table. Kitang-kita ko ang lugmok kong hitsura sa salamin. Nakikita ko pa rin si daddy sa likod ko. Ang talas ng titig niya sa akin at natatakot ako sa kaniya. Hindi ko siya makuhang titigan ng deretso.

"Fix yourself now, Lucy!" Umalingawngaw ang boses ni daddy. 

I'm struggling to keep my emotions in check and tears from falling as I bite my inside cheek. I feel like I'm falling apart inside.

Wala ba talaga akong magagawa? Wala na ba talaga akong pag-asa? Halos pinigilan ko na ang pagpatak ng luha ko.

"Lucy!" Sigaw ulit ni daddy ngayon.

"I cannot do it, dad!" Sabay yuko at iyak ko. I rested my head on the dressing table. Rinig ko ang hakbang niya palapit sa akin at nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kung sampal at bugbog ang aabutin ko ay kaya kong tanggapin ito, huwag lang mangyari ang gusto nila. He was about to lay his hand on my face but mom stood up in between us.

"Frederiko! Huwag mong saktan ang anak ko!" Naramdaman ko na lang ang pagyakap ni mommy sa akin.

"Kaya lumalaki ang ulo ng ampon na 'yan dahil kinakampihan mo, Esmeralda!" Sigaw ni daddy.

Oo, ampon lang din ako. When I was six they told me that I'm not their child. Kaya kaagad kong naintindihan ang lamig ng pakikitungo nila sa akin. They treat me like an object. A possession with ownership. Although, I was given all the luxuries in life, hindi naman ako masaya.

Since I only attended kindergarten, I have always been home-schooled. Additionally, I do not have any friends and am always accompanied by a team of bodyguards. I tried to escape once for a cinema movie, kasama ang katulong namin na si Elle. Pero nahuli naman kami at natanggal pa siya sa trabaho. Dad was heartless, and everyone who tried to help me to escape were all fired. Kaya nag-iingat na ako dahil ayaw kong may madamay pang ibang tao.

"Hija, fix yourself, okay. Don't be so hard, anak." Suklay ni mommy sa buhok ko. Hinayaan ko na lang si mommy na ayusan ako. Wala rin naman siyang magagawa at alam kong napagkasunduan na rin nila ito.

Chasing Skye (S1) ✅ Where stories live. Discover now