Chapter 4

7.6K 265 75
                                    



If things go well then everything will be fine. Nakapikit ako habang pinagmamasdan si squishy. Nasa loob ng banyo si France. Hindi niya nakayanan ang sarili at hindi nakapagpigil. Kaya ayan, nasa loob ng CR.

Now that DJ Mondragon is on the scene, it made everything complicated. I can't just keep running away. I need a life for Christ's sake! Sisiguraduhin kong hindi nila ako mahuhuli. Ang tanong, saan naman ako magtatago? Napabuntong-hininga na lang ako.

"What else can I do?" tanong ko kay squishy sa harapan ko.

I lay my fingers on squishy on the table. At sakto naman ang paglabas ni France na galing banyo.

"Ano na ang desisyon mo?" taas kilay niya at namaywang pa. Nilingon ko siya. Lumapit siya sa akin at umupo na sa kabilang upuan ng mesa.

"Hindi ko alam. Sasama ako sa' yo." Nakatingin lang ako kay squishy at hindi sa kaniya. Humalukipkip ulit siya at tila nag-iisip para sa sitwasyon ko. Natahimik kami ng ilang segundo. Wala na akong maisip. 

I need to check out after an hour. I can't afford to stay in hotels anymore. I have to be wise when it comes to money dahil wala na akong pera.

Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Can I call you Skye? Let's hide your first name para walang magtanong."

Umayos ako at seryosong tinitigan siya. Matalino naman pala ang baklang 'to. Nagmana nga naman siguro ang utak kay kuya Bimbo.

"Okay, that's good! From now on, call me Skye," ngiti ko.

"Skye, hindi ka puwedeng sumama sa akin ngayon. I have to ask my superior's approval first. Bawal kasi ang taga labas na makapasok sa loob." Pinahiran niya ang pawis sa noo.

"Bakit? S-Saan ka ba nakatira? Sa condominium ba?"

Hindi na siya nagsalita at nakatingin lang din sa bintana.

"France, I cannot just stay in hotel. Wala na akong pera na matitira," daing ko rito. Nagkamot siya ng ulo at mukhang naiinis na siya.

"I can work, France. Ipasok mo na lang ako sa ano mang trabaho. Basta huwag lang 'yong gagawa ng masama," desperada kong pakiusap.

I have no choice anyway. I can take any work. Ang totoo, nakatapos naman ako ng business management administration ng apat na taon. I can use those skills. Pero, dahil sa gipit ako ngayon, I will take any job opportunity that someone could offer.Kinuha ko ulit si squishy at pinisil-pisil sa harapan niya. Natatakot ako dahil alam kong maraming mata ang naghahanap sa akin ngayon.

"Alam mo Skye, kung hindi lang kita kilala at kung hindi ka rin ibinilin ni kuya sa akin ay talagang kinuha na kita," saad nito sabay upo at seryoso akong tinitigan. "You have a beautiful face like an angel, a slender body, and so yummy!" Kinagat pa nito ang kaniyang labi at napangiwi ako. "Kaso, halata sa mga mata mo na inosente ka."

"I might look innocent, France. But I'm not that stupid!" taas kilay ko ritong depensa. Eh, mukhang alam ko kasi kung anong klaseng trabaho ang tinutukoy niya.

"See? Ang talino mo nga! Nakakaloka ang breeding mo, inday!" Humalukipkip ulit siya at tumayo na.

"I can do clerical jobs, sekretarya, waitress, janitress, bahala na!" 

I can't be picky anymore. I need to survive for myself.

Hindi naman ako maarte. I can play in the mud, shower and play under the rain, and eat anything that looks edible in my eyes. I can even sleep on the wooden floor. Naranasan ko na 'yan lahat.

Chasing Skye (S1) ✅ Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora