Chapter 19

4.4K 186 45
                                    


Drunk


BUMALIK na kami sa sa dating routine dito sa Isla. We enjoyed the beach, the sun and our kisses. Hindi na siguro mawawala sa amin ang ganito. We fit into each others arms. I fit into his heart perfectly and so he is to me.

Nag-alala na ako kina mommy at daddy. I know they're still looking for me. I called France several times to check everything, and it's still the same.

Minsan napapaisip ako kung ano nga ba ang totoong rason kung bakit walang choice si daddy pagdating sa mga Mondragon. Did we really owe him a lot of money? Para ipakasal ako? And what about Liam? I know kilala niya si DJ.

He never mention his name in front of me. Isang beses lang iyon, noong nandito si Gerald. Natatakot din kasi akong magtanong. Nangunguna kasi ang takot sa puso ko.

Bumuntonghininga ako habang nakatingin sa dagat. I always love to see the sunset and be here again in our normal spot.

"Here. Have some of this," bigay niya sa tea drink.

"Thank you."

Mariin niya agad akong niyakap mula sa likurang bahagi at hinalikan ang balikat ko.

"May bisita ako mamaya, si Luke. Kaklase ko siya noon sa Amerika. Isasama niya ang girlfriend niya."

Tumango lang din ako habang iniinom ang hot tea.

"Hmm, okay..."

"Ipapakilala kita, okay?" Halik niya sa tainga ko. Kiniliti na ako sa ginawa niya.

"Stop it, Liam," mahinang tugon ko.

Tumawa lang siya at mas hinigpitan pa ang pagkakayap nang mga kamay niya sa katawan ko.

It's past seven, and here we are inside the bar. Dito na rin kami kumain at hinihintay ang kaibigan niya. After an hour of listening to the DJ's music, I excused myself and entered the toilet.

Pagkabalik ko sa table ay may kasama na si Liam. Isang lalaki. Baka ito na siguro ang kaibigan niya. Nilapitan ko na sila.

"Darling, this is Luke. A good friend of mine," pagpapakilala niya kay Luke.

Ngumiti ako sa kanya. Pero bago paman ako ulit maupo ay may tinawag siya. Ito yata ang kasama niya. Napansin ko agad ang isang magandang babae na papalapit sa amin. She's so stunning and seems familiar.

"By the way this is my fiancé," pagpapakilala ni Liam sa akin kay Luke.

Ngumiti ulit ako kay Luke at handshake kami, pero nang mapako ang paningin ko sa babae na katabi niya ay nangunot ang noo ko. Kilala ko siya, si Empress.

"Hello, Empress? Ikaw pala!"

"Skye! I'm glad to see you here, girl," lawak ng ngiti niya at halatang excited pa talaga.

"Do you know each other?" si Luke.

"Yes, we were friends!" si Empress.

"What a small world," si Liam ko.

"Si Liam nga pala," pakilala ko kay Empress at kindat ko sa kanya.

Natawa kaming dalawa ni Empress, hanggang sa niyaya na niya ako na pumunta kami sa kabilang counter. Girls talk ika nga. Nilingon ko muna si Liam at bumulong na ako sa tainga niya.

"Doon muna kami, okay? Empress is from Demoirtel. Kasama ko siya roon noon."

Kumunot ang noo ni Liam na nakatitig sa akin, at tumitig na din siya kay Empress. Parang nagtatanong na nangungusap ang titig niya, pero ngumiti at tumango rin kalaunan.

Chasing Skye (S1) ✅ Where stories live. Discover now