Chapter 2

7.8K 282 80
                                    


Nang makarating sa pier cuatro ay inihinto ko ang sasakyan sa gilid. Alam na ni kuya Bimbo 'to at kukunin na lang niya ang sasakyan mamaya, siya na ang bahala. Maingat akong lumabas dala ang maliit kong bagpack.

I looked around, trying to look for a female toilet para makapagpalit ako ng damit. Pumasok ako sa loob ng pier. I know I can change inside because they always have a female toilet. Mabilis lang akong nagpalit at isa-isang tiningnan ang dala kong gamit. Kinapa ko pa ang sarili para makasiguro na walang device na inilagay si daddy para masundan ako.

It's all clear! Iniwan ko ang suot ko kanina at lumabas na ako ng banyo. Pumila na ako sa ticketing line area. Sasakay ako ng barko ngayong gabi papuntang Maynila.

"Isa, Miss. Sa economy business class, po." Ibinigay ko ang ID sa kaniya pati ang bayad. Naghintay ako ng ilang minuto at inabot niya kaagad sa akin ang sukli ko pati na rin ang ticket.

Mabilis kong tinangap ito at umalis sa puwesto. Naglakad lang ako nang normal. May apat na oras pa akong hihintayin bago maglayag ang barko sa dagat.

I looked at the food display that they have. Honestly, I am so hungry that my stomach is rumbling inside me. I haven't eaten anything today because of unexpected events.

Lumapit ako at tiningnan kung anong klase ng pagkain ang bibilhin ko. Everything seemed delicious, but I ended up buying the sandwich. I have no appetite, but I have to eat. I bought two and put the other one inside my backpack. I went inside the ferry straight away. I've decided to wait inside and probably have a rest.

First time kong sumakay ng barko at nakamamangha ang laki nito. Grabe, ang ganda pala ng Super ferry. It's huge! I feel the excitement in my heart. Para akong bata na nakawala sa hawla sa unang pagkakataon.

"Hi, Ma'am! Welcome aboard!" Ngiti ng in-charge. Ipinakita ko lang ang ticket sa kaniya. Tinitigan niya ito at tinitigan din ako. Makailang beses pa ang titig niya sa akin bago ibinalik ang ticket ko. Ngumiti siya at saka ako tumango sa kaniya.

"Just walk straight ahead, Miss. Down the very end, you'll find your bed number on the corner, malapit sa toilet area." Tumitig siya sa akin.

"Okay, salamat." Pilit na ngiti ko sa kaniya.

Mabilis ang hakbang ko papasok. Binuksan ko ang pinto sa harapan, at tumambad sa akin ang maraming bedspace rito. May iilang tao na rin at aircon din naman dito. Nahanap ko kaagad ang bed number ko. Mabuti na lang at hindi sa itaas ang puwesto ko, ayaw ko kasi sa itaas na bahagi.

Inilagay ko ang maliit na bag pack na dala sa gilid at maingat na inilabas si squishy unicorn. Pinisil-pisil ko 'to gamit ang kaliwang kamay ko habang abala ang isang kamay ko sa paghalungkat ng mga maliliit na papel sa loob ng wallet.

I have the numbers of our maids before, ang dalawa sa kanila ay nasa Maynila na. I also have kuya Bimbo's cousin's contact number, si France. I don't know him but I will call him straight away once I arrive in Manila. Hindi ko pa alam kung ano ang plano ko. Bahala na!

I looked at my wrist watch, the ferry will depart in an hour. Hindi na ako makapaghintay. Kinakabahan ako at ingat na ingat ako sa sarili. Nagmamatyag din ako sa paligid. Napansin ko ang dalawang lalaki na medyo malaki ang katawan. Parang mga gangster ang dalawang 'to! Kinakabahan tuloy ako.

Isa-isa nilang nilapitan ang bawat bed space sa loob at tiningnan ang mukha ng bawat pasahero. Pasimple akong tumayo. Kinuha ko ang bag ko sa gilid at naglakad ako ng normal hanggang sa makalabas ako ng pinto at mabilis na umakyat sa hagdan. Nagmadali akong naglakad. Nilingon ko pa ang bawat sulok.

"Excuse me, Miss?" Dinig ko sa 'di kilalang boses. Tinitigan ko kaagad siya. He's wearing a white top and white pants. He seems like one of the staff around here because of his clothes.

Chasing Skye (S1) ✅ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon