Kabanata 39

111K 2.7K 526
                                    

Kabanata 39

Masayang hinigit ako ni Vicious papunta sa isang stall. Napansin ko ang mga naka-display na cotton candy. Iba't ibang karacter ang design nito. May hello kitty, Doraemon, SpongeBob at iba pang mga cartoon characters.

"Mom, look at this!" masiglang sabi niya habang itinuturo ang mga makukulay na cotton candy.

"Do you want that?" nakangiti na tanong ko sa kaniya.

Tumungo ako sa kaniya upang makita ang nagniningning niyang mga mata. Mabilis siyang tumango at tumalon-talon.

"Can I? It's so colorful. Ano pong tawag dito?" masaya niyang tanong. Napatawa ako at itinuro ko ang mga Cotton candy.

"It's a cotton candy. Wait, ibibili kita." sabi ko at pagkatapos ay tumingin ako sa lalaking nagtitinda.

"Manong, tatlo nga po." sabi ko habang hinahawakan si Vicious sa kaniyang braso.

"Ano pong design, Ma'am?" tanong niya kaya tumingin ako kay Vicious at tinanong ko siya.

"Anak, anong design ang gusto mo?" inilagay niya ang daliri sa baba niya.

Ilang segundo siyang nag-isip habang nakatingin sa mga naka-display na cotton candy. Nakabalot ito sa mga plastic kaya naman hindi ito nahahanginan at nade-deform.

"I want SpongeBob and Doraemon, Mommy." sabi niya habang tinuturo ang naka-display.

"Manong, bago po bang gawa?" nakangiti na tanong ko.

Tumango si Manong. "Opo. Kakatapos ko lang pong gawin. Pag po kasi walang bumibili ay gumagawa na ako para hindi na naghihintay nang matagal ang mga customer."

"Sige po, Manong. Tig-isa nga po." sabi ko kaya kinuha agad ni Manong ang SpongeBob at Doraemon na cotton candy.

Kinuha ko ang SpongeBob at pagkatapos ay inilahad niya kay Vicious ang Doraemon.

"Kunin mo si Doraemon, anak." sabi ko at ginawa niya naman ang inutos ko.

Kumuha ako sa bag ng pera at inabot ko ang bayad kay Manong. Sakto na ito kaya naman hindi niya na ako sinuklian.

Tiningnan muna ni Vicious ang hawak niyang cotton candy bago siya kumurot ng kaunti. Isinubo niya ito kaya napangiti ako. Nakita ko na tumango siya na tila ba nagustuhan ang matamis nitong lasa.

"It's so sweet!" masayang saad niya at nagtatalon siya. Itinaas niya ito at marahan na iniwawagay-way ang Cotton candy.

"Masarap ba, Anak?" natutuwa kong tanong sa kaniya

"Yes, Mommy!" masiglang sabi niya.

Natuwa ako lalo nang makita ang masaya niyang ngiti habang kumakagat sa Cotton candy. Inilabas niya ang dila niya at itinuro niya sa akin ang kaniyang dila. Panandalian lang iyon at nilunok niya na din ang cotton candy.

Tuwang-tuwa siya habang nagtatatalon kaya napahagikhik ako. Ang cute talaga ng anak ko.

"Did you see that, Mommy? Nalulusaw siya agad sa aking dila." inosenteng saad niya kaya napatango ako habang nakangiti.

"Yes. Nakita ko."

"It's so good on my tongue." hyper niyang sabi.

Masayang ginulo ko ang kaniyang buhok. Pinunasan ko ang kaniyang pisngi na nagkaroon ng konting cotton candy.

"I'm so glad that you like it." may malawak na ngiti na sabi ko.

"Ang tamis po. Ang sarap. Marami po palang magagandang bagay at masasarap na pagkain sa Mall." sabi niya habang sumusulyap sa paligid.

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now