Kabanata 19

81.9K 2.6K 993
                                    

Kabanata 19

Hinarang ko si Ron upang hindi siya makadaan. Nakita kong pinagtaasan ako ng kilay ng batang bubwit. Kung hindi ko nakita ang mga dala niyang mangga ay hindi ko siya haharangin upang tanungin.

"Saan kayo nanguha ng mangga?" tanong ko sa kaniya.

"Sa malaking puno na iyon. Kasama ko si Kuya Menard." Walang galang niyang sagot sa akin habang itinuturo ang lugar sa pamamagitan ng pagnguso.

"Pahingi ako ng mangga." panghihingi ko sa kaniya.

"Ayoko." tanggi niya at pagkatapos ay inilabas niya ang dila niya.

"Ang damot mo naman, Ron." mariin na sabi ko.

"Umakyat ka." sabi ng makulit na bata sabay takbo.

"Nakakainis talaga ang bata na iyon." mahina kong sabi habang sinusundan ang madamot na bata.

Kahit tatlong mangga ay hindi man lamang ako nabigyan! Sobrang dami niyang dala. Pagkinain niya iyon ay baka mag-tae pa siya.

"Why?" narinig kong tanong ni Ferocious sa aking likuran.

Nakasimangot na humarap ako sa kaniya. Kararating lang pala niya.

"Oh, nand'yan ka na pala. Tapos ka nang kumain?" tanong ko.

"Yes. Why are you pissed off?" nag-aalala niyang tanong sa akin.

Nanggigigil na napakamot ako sa buhok ko. Gusto ko ng mangga pero madamot si Ron. Ang galing naman niyang humingi ng sampung piso tapos pinagdadamutan ako?

"Dalawa ang kinakainisan ko." mariin na sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

Itinaas ko ang kamay ko at ikinuyom ko ito. Kung pwede ko lang silang patamaan ng isa sa ulo para makaganti ako sa mga pang-aasar nila ay nagawa ko na, pero hindi ko magawa!

"I know that I'm one of your enemies. Who's the other one?" rinig kong tanong niya.

Inilipat ko sa kaniya ang nanlilisik kong tingin.

"Iyong batang lalaki na iyon!" sagot ko habang itinuturo ang batang nakatingin sa amin nang mapang-asar.

Sumasayaw pa ito habang itinataas ang mangga. Inis akong napairap.

"Hayaan mo na, Mahal." sabi niya upang huminahon ako.

Mas lalo akong nainis dahil nakita kong tumalikod sa akin ang bata at pinalo niya ang puwetan niya.

"Tumigil ka nga! Huwag mo akong tawaging mahal." mariin na sabi ko.

Sa kaniya napapabuhos ang inis na nararamdaman ko.

"Pag ikaw pwede pero pag ako bawal? Why are you being unfair?" rinig kong tanong niya kaya tiningnan ko siya.

I raised my eyebrows. I saw how his lips turned into a pout. He's acting like this again! Pouting like a kid. I hate it because whenever he does that, my heart beats so fast. I don't like it because I love what I'm seeing. I don't want to fall in love with his childish act!

"Pwede nama pero pag tayong dalawa lang ay hindi mo na dapat ako tawaging mahal. Nakakairita." mahinang sabi ko at umiwas ako nang tingin.

Umupo ako sa mahabang kawayan na ginawang upuan. Itinungkod ko ang kamay ko sa ibabaw ng upuan. Nahuhulog na kasi ako!

"Nagpapanggap lang naman tayo. Bakit hindi pa natin lubos lubusin?" rinig kong tanong niya sa akin.

Naramdaman ko ang pag-lagitnit ng kawayan tanda nang pag-upo niya dito. Bumunot ako nang malalim na buntong hininga. Tiningnan ko ang malawak na lupain na nasa aming harapan. Sobrang lawak. Wala na itong tanim ngayon dahil nakuha na ang lahat ng labanos kahapon. Bakante na ang lupa.

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now