Kabanata 12

82.2K 2.5K 228
                                    

Kabanata 12

Bigla kaming tumakbo nang mabilis ni Ferocious nang may nakita akong kotse na kaliliko lang sa may kanto.

"Run! Pumasok tayo sa loob ng palengke!" mahinang sabi ko sa kaniya habang hinihigit siya papasok sa palengke.

Walang mga paninda at mismong pwesto lang ang nandoon. Gabi kasi kaya walang katao tao.

Tumakbo kami papasok sa loob. May narinig kaming mga yapag at sigaw kaya mas binilisan namin ang pagtakbo. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Ferocious. May kabigatan ang bag pack na nakalagay sa likod ko pero hindi naman ito naging sagabal sa pagtakbo namin. Lumingon ako sa likod at napansin ko na sinundan kami ng mga bodyguards.

Mas binilisan namin ni Ferocious ang pagtakbo. Mahaba ang bias niya kaya naman nauuna siya sa akin. Ako na ang kaniyang hinihigit. Kahit na hinihingal at pinapawis na ako ay mas binilisan pa namin ang pagtakbo. Pasikot sikot ang palengke pero nakalabas din naman kami doon. Hindi na namin nakikita ang mga humahabol sa amin.

Napapunta kami sa labas kung nasaan ang mga delivery truck ng mga gulay at prutas.

"Damn, they're still following us." mahinang sabi ni Ferocious.

Napatingin ako sa loob ng palengke at nakita ko ang mga bodyguards na naghahanap sa amin. Palinga-linga sila sa loob ng palengke.

"No choice! Kailangan nating pumasok sa loob ng truck!" mahinang suhestiyon ko.

Hinigit ko siya sa pangalawang truck na naglalaman ng mga gulay.

"Are you sure?" hindi makapaniwala na tanong niya.

Noong nilingon ko siya ay napansin kong nakakunot na ang noo niya. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos ay tinanggal ko na ang kamay naming magkahawak. Napansin ko na napatingin siya sa kamay ko pero hindi narin naman nagsalita.

"Go! Wala na tayong oras!" mahinang sabi ko.

Umakyat agad kami sa truck at nagtago sa likod ng mga gulay na naka-patas. Sa pinaka-sulok kami pumunta dahil doon lang may free space. Nasa pinaka-una kami pumunta. Maliit lang ang space at pang isang tao lang kaya wala kaming nagawa kundi ang sumiksik doon. Inutusan ko si Ferocious na humiga sa free space na isang tao lang ang kasya. Puno ng iba't ibang gulay ang truck. Luminga-linga ako sa loob ng turck pero wala na akong mapagtataguan. Wala akong nagawa kundi ang dumapa sa ibabaw ng katawan ni Ferocious.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil sa gulat pero hindi naman siya nagreklamo.

Makikita ako pag hindi ako pumatong sa kaniya.

"What are you doing?" mahinang bulong niya sa akin.

Sinubukan kong pagaanin ang aking katawan para hindi siya masyadong mabigatan sa akin. Sinenyasan ko siya na huwag umingay kaya natahimik siya.

"Sssh! Keep quite. Makikita nila ako pag hindi ko ginawa ito." mahinang sabi ko.

Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa aking bewang. Kahit madilim sa loob ng truck ay naaninag ko parin ang bahagya niyang pagngisi.

"Is this part of your plan?" Mahinang tanong niya.

Umirap ako sa kaniya. Parang nang-aasar pa siya. Ayoko mang dumapa sa taas niya pero wala akong pagpipilian.

"Hindi. Wala na tayong choice! Wala na tayong ibang tataguan kasi sarado na ang mga tindahan." May inis na sabi ko.

Sa loob naman ng palengke ay sobrang linis. Walang ibang pagtataguan.

"Really?" he said while amusement is evident in his voice.

I want to hold his neck and then choke him because he's pissing me off again.

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now