Prologue

247K 4.9K 815
                                    

Dedicated to Elle Clarke
leyan_0115
Hi! Thank you for letting me use your name. I hope you'll like this story. Thank you ♥️

Prologue

"Target locked." I murmured while looking at the man wearing blue t-shirt.

Ilang araw ko nang minamanmanan ang taong ito. May koneksyon siya sa mga sindikato na nagbebenta ng mga dekalidad na droga.

They are selling marijuana, shabu and coccaine. I've been following him since last week. It's a difficult task for a girl like me, but the hell I care. I can do this on my own. I've been trained for five years and I'm excellent in doing hand to hand combat, martial arts and using guns.

Pinapangako ko na malalaman ko kung saan sila naglulungga. Sinisiguro kong mahuhuli namin ang lahat ng mga nagdo-droga na kasamahan niya.

Salot sila sa lipunan.

"Nakita mo na ang target? What's the location?" rinig kong sabi ng kasamahan ko sa kabilang linya.

Napangiwi ako noong marinig ko ang matinis na pagtunog ng listening device sa aking tainga. Palpak pa yata ang napabigay sa akin na device.

"10 meters away from my standpoint." mahinang bulong ko habang natatawang pinaglalaruan ko ang aking magaspang na buhok.

"Got it." sambit niya.

Mabilis niyang nakita ang target dahil nakakonekta ang portable computer niya sa system ng lahat ng cctv na nakakabit sa bawat kanto ng syudad.

Sa misyon na ito ay dalawa lang kaming nagtutulungan para malaman ang location ng drug warehouse ng mga sindikato na ito. Ako lang ang nasa field habang ang lalaking ka-partner ko ay nasa isang suv van at nagmamasid din sa paligid gamit ang portable computer niya.

"Are we going to arrest him?" mahinang tanong ko.

May malawak na ngiti ang nakapaskil sa aking mukha habang tumatayo ako sa kinauupuan ko sa may pavement. Mabilis kong kinuha ang dala kong lata at stick at pagkatapos ay nagsayaw ako habang tinatambol ito.

"No. Not yet. Stay with our superior command." rinig kong sabi niya.

Napahaba ang aking labi dahil sa kaniyang sinabi. That's boring. Bakit hindi na lang namin siya arestuhin agad at paaminin? Mas mabilis at malinis ang proseso.

Pero naisip ko din na magandang taktika ang gawing pagsunod sa gunggong na ito dahil malalaman agad namin ang pinagtataguan nilang lahat. Pwede namin silang mahuli agad sa iisang operation.

"Okay. I will wait here and look over." pagsang-ayon ko habang pinagmamasdan ang lalaking ngayon ay nakatayo lang sa kabilang street at may katawagan na sa cellphone.

"Keep your disguise, Cockroach." bilin niya sa akin.

Napatigil ako sa pagtatambol habang sumasayaw ng parang baliw. Nawala ang ngiti sa mukha ko at unti-unting napalitan ito ng pagsimangot.

"Damn you, Lizard! I hate that code." may inis sa boses na sabi ko.

Naiinis na napairap ako dahil sa kaniyang sinabi. Kahit na ayoko ng disguise ko ay kailangan ko parin itong gawin para hindi mabuking. Mas nainis lang ako sa kaniya dahil binanggit niya pa ang code name ko.

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now