Kabanata 15

83.8K 2.7K 698
                                    

Kabanata 15

"Hindi kayo mag-asawa no?" tanong ng isang batang lalaki. Ibinaba ko ang aking tingin sa anak ni Ate Myra. Nakita ko agad ang nang-iinis niyang ngiti sa akin.

Apo siya ni Aling Etang. Apat na taong gulang pa lang ang batang ito pero kung makapagsalita ay parang matanda. Madami na ding nalalaman. Pati kalokohan ay alam.

Noong una ay hindi naman siya nakikipag-usap sa amin pero ngayon ay lumapit siya sa akin upang sabihin iyon.

I don't like this kid. He's so naughty. I saw what he did to Mang Juan yesterday. Pinaltok niya ang matanda ng gloves na madumi. Sinaway naman ito ng ina pero sadyang makulit ang bata at kahit pagalitan ay wala paring pakialam.

"Hindi kayo totoong mag-asawa." may kasiguraduhan sa kaniyang boses habang sinabi iyon.

I'm kind especially with kids but he's an exception. Tinitingnan ko pa lang siya, kumukulo na ang dugo ko. Inaasar kasi ako ng batang ito tuwing nahuhuli niya ang tingin ko.

"Mag-asawa kami!" giit na sabi ko. Hindi ko maiwasang mapairap sa ginawa niya.

Inilabas niya ang dila niya para asarin ako. Inilagay niya pa ang kaniyang daliri sa taas ng ilong niya.

"Oh, talaga ba? Hindi kaya." pang-aasar na sabi niya.

Naramdaman ko ang pagkapikon sa kaniya. Inis akong napairap. Tumingin ako sa paligid upang tingnan kung may makakapansin ba pag kinutusan ko ang batang ito.

Napahinga ako nang malalim noong makita kong walang nakatingin sa amin. Busy ang mga tao sa kaniya kaniyang gawain. Ako kasi ay napatigil sa paghuhugas ng labanos dahil umihi pa ako sa banyo. Paglabas ko ay isang batang payat na maiitim ang sumalubong sa akin.

"Sa tingin mo ba nagsisinungaling kami?" mataray na tanong ko.

Nilakihan ko ang aking mga mata para medyo makaramdam siya ng pagkasindak. Naging bigo ako nang makita kong tumawa siya.

"Oo!" masayang sabi niya.

Oh, he's so smart. Sa sobrang talino niya ay napansin niya ang sekreto namin.

"Hindi iyon totoo. Kung totoo man ang ibinibintang mo ay paano mo naman nasabi na nagsisinungaling kami? Sige nga, bata?" May gigil na tanong ko.

Nakita ko ang pagtaas ng kaniyang labi dahil sa pagngisi niya. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa bewang. Tinaasan ko siya ng kilay at pagkatapos ay ginaya ko ang nakapamay-awang niyang tayo.

"Kasi hindi kayo sweet!" sagot niya sa akin.

Kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang isinagot. Iyon lang ang batayan niya? Ang batang ito talaga ang sayang sipain.

Hindi lahat ng mag-asawa ay sweet.

"Sweet kami?" hindi sigurado na sabi ko. Bigla akong natigilan kasi naisip kong hindi nga pala kami talaga sweet ni Ferocious.

"Hindi!" pagdidiin na sabi ng batang maitim.

Itinaas ko ang aking kilay at pagkatapos ay inismiran ko siya. Hindi nagpapatalo ang batang lalaki na ito sa titigan. Nilalabanan ako.

"Bakit? Kailangan pa ba naming ipakita iyon sa lahat!" may inis na sabi ko.

Hindi na naman kailangan na ipakita na sweet kami. Kailangan ko pa ba siyang halikan, hawakan ang kamay, at yakapin siya? No. I won't do that. Never!

Gusto ko lang siya pero hindi ko naman sinabing gagawa ako ng first move sa kaniya. Hindi ko naman naiisip na gawin siyang boyfriend. Humahanga lang ako sa kaniya kasi gwapo siya. Iyon lang!

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now