Kabanata 16

84.5K 2.8K 686
                                    

Kabanata 16

Naramdaman kong may kumulbit sa aking balikat. Napapihit ako paharap sa taong kumukuha sa atensyon ko. Si Ferocious lang pala. Tinaasan ko siya ng kilay.

Alas dose na nang tanghali at maagang natapos ang pamumunot namin ng labanos. Pwede na kaming umuwi pagkatapos naming makuha ang sahod namin. Minsan naman ay pinagpapahinga ko muna si Ferocious ng kaunting oras bago kami umuwi. Sina Aling Kami at Mang Juan naman ay hindi sumasabay sa amin dahil pumupunta pa sila sa bahay ng kaniyang anak na nasa kabilang baryo. Alam na naman namin ang daan pauwi.

"Elay, wipe my sweats." pag-uutos niya sa akin.

Muli kong itinaas ang aking kilay. Para na naman siyang boss kung mag-utos. Tatlong araw na siyang nagpapapunas lagi ng pawis. Nawiwili na yata siya ng may taga-punas.

"Anong sasabihin?" nakasimangot kong tanong sa kaniya.

Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi niya. Itinaas niya ang kaniyang kamay at sinundot niya ang aking pisngi gamit ang hintuturo niya. Inalis ko ang daliri niyang sumusundot sa aking pisngi.

"Please?" pakikiusap niya sa akin.

Napansin kong mas lumawak ang kaniyang pagkakangiti. Wala akong nagawa kundi ang kunin ang bimpo na nakasabit sa braso ko. Tuwing pabalik na siya mula sa mismong taniman ng labanos ay inihahanda ko na ang pamunas at tshirt niya. Ayaw ko siyang matuyuan ng pawis.

"Magaling, Pikachos. Kaya mo naman pa lang makiusap. Bakit ayaw mo pang sanayin ang sarili mo na makiusap nang maayos?" saad ko habang sinisimulan na punasan ang kaniyang noo.

Marahan lang ang pagdampi ko dito. Baka kasi masaktan siya.

"I'm not used to doing that." sabi niya.

Napaiwas ang tingin ko sa kaniyang noo. Napatingin ako sa kaniyang mata. Kuminang ang mata niya dahil sa pagtama ng sikat ng araw.

"Magbago ka na kasi." sabi ko habang pinupunasan ang kaniyang pisngi.

Magbago ka na para matuwa pa ako sa'yo.

Panandalian siyang nanahimik. Hindi na din ako nagsalita at pinunasan ko na lang ang kabila niyang pisngi.

"Do I have a reward if I do that?" seryoso niyang tanong sa akin. Napansin kong sa labi ko siya nakatingin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko nagustuhan ang pagtingin niya sa aking labi. Naiilang ako. Iba talaga ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko dahil hindi ito mapakali.

"Wala." Tipid kong sabi. Mas binilisan ko ang pagpupunas sa mukha niya.

"Thélo tin agápi sou os antamoiví" sabi niya na hindi ko naman naintindihan.

Unting-unting nangunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Ibang lengguwahe? Pinagsawalang bahala ko na lang ang sinabi niya. Ayoko na siyang tanungin. Mas maigi na hindi ko iyon alam.

"Wipe my lips." utos niya sa akin.

Napatingin ako sa kaniyang labi na natural na namumula. He has a perfect lips. He doesn't need to put a lipgloss. Manipis ang taas ng labi niya at ang baba naman ay medyo makapal.

Hinawakan ko ang kaniyang baba at pagkatapos ay pinunasan ko ang kaniyang basang labi. Uminom siya kanina ng tubig at may konting moist ng tubig ang kaniyang labi.

"Ang sweet naman nila." rinig kong sabi ng isang bata.

Napatigil ako sa aking ginagawa at napalingon ako sa likod ko. Noong ibinaba ko ang tingin ko sa bubwit ay nakatingin siya sa aming dalawa. Malawak ang pagkakangiti. Alam kong inaasar niya ako.

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now