Kabanata 25

86.9K 2.3K 226
                                    

Kabanata 25

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hinigit agad ako ni Ferocious papunta sa mayabong na puno ng rambutan upang sumilong. Imbis na mapabilis ang pag-uwi namin ay napurnada pa iyon. Alas-kwatro na at maaga kaming pinaawas sa trabaho.

Basang-basa ang aming damit dahil sa malakas na buhos ng ulan. Napansin kong nanginginig siya kaya agad ko siyang niyakap. Napatigil siya sa panginginig at niyakap niya din ako.

Nakatayo lang kami doon at hinihintay na tumila ang ulan. Nakatingin lang ako sa harapan habang pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan. Tahimik lang kami at walang nagtatangkang magsalita sa amin.

Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang noong makilala ko si Ferocious ngunit ngayon ay boyfriend ko na siya.

Muli kong naalala ang una naming pagkikita. Bigla akong napasimangot dahil sa pagiging rude niya noon sa akin. Nainis na naman ako.

Tumingala ako upang makita ang mukha niya. Napansin ko siyang nakatingin sa harapan.

"Remember the day when you slapped a crazy woman in front of your employees." bungad kong sabi kaya napayuko siya sa akin.

Nagsalubong ang aming tingin. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya bago siya tumango.

"So? What's your point?" may pagka-arogante na tanong niya.

Napaismid ako. Humiwalay ako sa kaniya at hinampas ko siya. Naramdaman ko ang pag-usbong ng inis.

Nanampal at namahiya ng babae pero wala lang sa kaniya. Ayos ah! Parang hindi parin niya pinagsisisihan ang ginawa niya dati.

"I am her! I'm in disguise! Gosh! Every time I remembered it, I could feel my blood boiling because of too much anger!" nagngitngit sa galit na sabi ko.

Napansin ko ang paglambot ng kaniyang ekspresyon. He sighed deeply.

"Don't ever do that again. Huwag mo nang ulitin na ipahiya at tapakan ang ibang tao. Pag ginawa mo iyon ay yari ka sa akin." pagbabanta ko sa kaniya habang ginagawa ko ang sign ng 'I'm watching you.'

Ibinaba ko din ang aking daliri na nakaturo sa kaniya.

"Ikaw iyon?" paninigurado niya sa akin.

"Yes! Ako 'yun!" Naiinis na sabi ko.

Napansin ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. Maya-maya ay nakita ko ang pagdila niya sa mapupula niyang labi. Gwapo siya pero hindi talaga ako natutuwa pag dinidilaan niya ang labi niya. Parang manyak ang dating?

"Oh? Isn't it a coincidence or destiny?" pagtatanong niya.

"None of the above. Minalas lang ako noong panahon na iyon kasi na-encounter kita. Did you know that I want to punch you that day?" sambit ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at kasunod noon ay ngumiti siya. Yumuko siya at inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Pwede mo na akong suntukin ngayon." sabi niya at inilapit pa lalo ang mukha niyang sobrang gwapo.

Alam kong inaasar niya ako. Sa ngisi pa lang niya ay alam ko na.

"Ayoko. Nawala na ang galit ko." mariin na sabi ko.

Paano ko pa siya susuntukin kung love ko na siya? Hindi ko siya kayang saktan.

"I thought you're really mad at me?" may kuryosidad na tanong niya sa akin.

Hinawakan ko ang pisngi niya at marahan ko itong hinawakan. Kung hindi ako na-inlove sa kaniya ay paniguradong nasampal ko siya ngayon. Binibigyan niya ako nang pagkakataon na sampalin siya, kung noon niya pa sinabi ito ay baka tabingi na ang mukha niya.

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now