Kabanata 7

90.4K 2.8K 459
                                    

Kabanata 7

Being together with Ferocious is definitely a war. Lagi ko siyang pinupuna at pinagsasabihan ng mga tamang gawin. He doesn't like it. Gusto niya ay siya ang masusunod kaya nauuwi iyon sa away. Lagi siyang pumupunta sa bar ng kaniyang kaibigan kaya lagi din kaming bantay sarado sa kaniya.

"Saan ka pupunta, PFC Clarke?" rinig kong tanong ni Alpha Serño.

Pumihit ako paharap sa kaniya at napansin ko ang pagngisi niya. Inirapan ko siya dahil hindi ko gustong makipagplastikan sa kaniya.

I don't know why I'm so pissed off with him. He's handsome but there's something in his smirk that can make my head boil. Kayabangan kaya?

"Where are you going, Ms. Clarke?" napairap akong muli noong marinig ko ang boses ni Ferocious.

Kahit tinatamad ay sinulyapan ko siya. Nakita ko ang noo niyang laging nakakunot pag nakikita ako.

"I will talk to General." sagot ko sa kaniya.

Walang paalam na umalis si Alpha Serño at bumaba ng hagdan. Naiwan kaming dalawa ni Ferocious sa may hallway.

"And why?" tipid niyang tanong sa akin habang magkasalubong ang kaniyang mga kilay.

"To report something?" patanong na sagot ko.

"Is it about me?" Tanong niya na ikinatawa ko nang mahina.

"Oh, kinakabahan ka ba?" May pang-aasar na sabi ko.

Hindi naman siya mukhang kinakabahan bagkus ay nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pagkatuwa?

"No. I'm just excited to watch you swim in a mire together with your Daddy." walang reaksyon niyang sabi na ikina-usbong ng inis sa puso ko.

Ang hinayupak na ito talaga! Gustong-gusto kaming ilagay ng pamilya ko sa burak!

"Damn you!" sigaw ko.

Nakita ko ang unting-unting pagtaas ng gilid ng labi niya. Itinaas ko ang aking kamay at pagkatapos ay nanggigigil na ikinuyom ko ito. Gustong-gusto kong higitin ang kaniyang mahabang buhok para sabunutan pero pinipigilan ko lang ang aking sarili. Mabilis niya lang itong tiningnan. Bumalik din ang kaniyang tingin sa aking mukha.

"Uuwi ka pa ba?" tamad na tanong niya.

Ibinaba ko ang kamay ko. Inirapan ko siya ng pamatay na halos ikaluwa ng eyebags ko. Siya talaga yung taong sobrang sarap ipakain sa mga lamok hanggang sa magka-dengue at mamatay.

Bumuntong hininga ako nang sobrang lalim. Pilit kong kinakalma ang aking sarili para alisin ang inis sa aking sistema.

Nawawala ang pagiging kalmado ko tuwing siya ang nakakasalamuha ko.

"I need to report something! Tungkol ito sa nakalipas kong misyon na naging palpak dahil sa'yo!" mariing sabi ko.

"Anong—"

"Nevermind. Basta may irereport ako tungkol sa dati kong assignment." pagpuputol na sabi ko sa kaniya.

Ilang segundo siyang natigilan. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at nakataas ang kilay. Hinihintay ko siyang magsalita habang pinapatunog ko ang sapatos kong suot sa tiles niya. Gustong gusto ko talaga ang mga black shoes na may one inch na takong.

"Tomorrow is your day off." sabi niya na ikinatigil ko sa paglalaro ng takong ko.

"So? I'll take my day off today." walang pakialam na sabi ko.

Mas importante ang sasabihin ko kay General at walang makakapigil sa akin.

"Bukas pa ang day off mo!" pag-uulit niya.

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now