Kabanata 9

88.3K 2.9K 487
                                    

Kabanata 9

Lumandi siya pero makalipas ang isang araw ay balik awayan na naman kami. Naging malamig na ulit ang pakikitungo niya sa akin sa hindi malaman na dahilan. Ngunit mas pabor sa akin na balik kami sa ganitong sitwasyon kesa sa pagiging malandi niya. Mas naiinis ako pag ginagawa niya ito.

"Saan ka pupunta?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya.

Nakita ko si Ferocious na nasa may garden. Nakatago ako sa dilim kaya hindi niya ako nakita. Kakatapos ko lang kausapin si Daddy sa cellphone. Sakto naman na may daga na gustong tumakas.

"I'm going to Orion's Bar." diretsong sagot niya sa akin.

Nilapitan ko siya agad at inalagay ko ang aking kamay sa aking baywang. Tinaasan ko din siya ng kilay. Para akong isang nanay na nahuli ang anak na tumatakas.

"Bakit hindi ka nagpapaalam sa akin?" mataray na tanong ko sa kaniya.

Tiningnan niya lang ako at pagkatapos ay tinaasan niya din ako ng kilay. If other guys do this expression, they looks like a gay but... with him doing that? Damn, he's like a handsome greek god!

"Are you my mother? Bakit kailangan ko pang magpaalam sayo?" pabalang niyang sagot sa tanong ko.

Unting-unting na naman na uminit ang ulo ko dahil sa kaniyang inaakto. Bakit ba ang tigas ng ulo niya? Kailan kaya lalambot iyon?

"I'm your keeper! Tatakas ka sa amin?" may inis sa boses na sabi ko.

Nakita ko kung paano sumeryoso ang kaniyang ekspresyon habang tinitingnan ako na para bang isa akong malaking harang sa gusto niyang mangyari.

"I won't answer that." sabi niya.

Para siyang isang sira ulong lalaki. Tinatanong ko siya pero lagi siyang pabalang kung sumagot, tapos minsan pa safe pa. Kaya ako naiinis sa kaniya. Masyado siyang fuck cool! Not pa-cool!

"Ayaw pang aamin! Tatakas ka talaga. Nasaan ang ibang bodyguards mo? Bakit hindi ka binabantayan?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya.

Nagkibit balikat lang siya at tsaka niya ako tinalikuran. Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya upang sundan siya.

Hinigit ko ang kaniyang braso at iniharap ko siya sa akin. Sumalubong sa aking paningin ang seryoso niyang mukha na tila ba tamad na tamad.

"Sinabi kong magpapahangin lang ako kaya hindi sila sumama." sabi niya at pagkatapos ay umismid siya.

"Uto-uto din naman sila, ano?" Naiinis na sabi ko habang pinanlilisikan ko siya ng mata.

"Ikaw ba hindi uto-uto?" tanong niya. Hindi nakalampas sa aking pandinig ang pang-aasar doon.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso. Ramdam ko ang magandang hulma noon pero hindi ko iyon masyadong pinagtuunan ng pansin.

"Hindi. Kaya hindi mo ako maloloko! Hindi ka aalis!" may awtoridad kong sabi.

Pasimple akong luminga sa paligid. Naghanap ako ng pwedeng pagtalian sa kaniya para hindi siya makaalis. Malayo ang mga puno. Napatigil ang tingin ko sa nakitang Patio. May malalaking outdoor sofa doon at lamesa. Hinigit ko agad siya papunta sa patio.

Gusto ko siyang iupo sa sofa at itali doon upang hindi siya makaalis. Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi siya nagrereklamo pero naririnig ko ang mahinang pagmumura niya.

Pinaupo ko siya sa sofa at ginawa niya naman iyon ng walang reklamo. Nakatayo lang ako sa harapan niya habang nakapamay-awang. Siya naman ay nakaupo lang at naka-dekwatro. Nakapatong ang kaniyang kamay sa arm rest. Ang kaniyang tingin sa akin ay seryoso lang pero pansin ko ang inis sa kaniyang mga mata. Nanlilisik kasi iyon na tila ba handa na akong sunggaban dahil sa inis.

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now