Kabanata 32

84.6K 2.5K 406
                                    

Kabanata 32

It's been six days since I was discharged in the hospital. Saktong isang buwan na din mula noong ma-ambush kami sa probinsya. Hanggang ngayon ay wala pa rin balita kay Ferocious.

Hindi na ako nakapaghintay pa at pumasok na ako sa trabaho. Pinuntahan ko agad si Corporal Ilmora para makausap. Siya lang ang may alam kung kaninong team naka-destino ang pag-i-imbestiga sa kaso at paghahanap kay Ferocious.

"Corporal Ilmora, may balita na ba kay Ferocious? It's been one month." I said.

Kahit na galit ako sa kaniya ay isinantabi ko muna ito upang malaman ang tungkol sa kaso ni Ferocious.

"I told you to forget about him! Just give up on him. Patay na siya." inis niyang sabi.

Humugot ako nang malakas na pagbuntong hininga upang pigilan ang inis na nararamdaman.

"Hindi pa siya patay." mariin kong pagtanggi sa kaniya.

Tiningnan niya ako nang mariin at pagkatapos ay tumayo siya mula sa pagkakaupo. May inis sa mukha na ibinagsak niya ng hawak niyang folder sa lamesa.

"Hindi mo ba naiintindihan, PFC Clarke? Sa nangyari sa kaniya, sobrang labo na buhay pa siya!" wika niya.

Umiling ako at pagkatapos ay inis na itinaas ko ang kaliwang kamay ko upang duruin siya. I don't want to respect him anymore. How could I respect him If he doesn't even respect Ferocious?

"Buhay siya! Ramdam ko na buhay pa siya." pagpipilit ko sa kaniya.

Mas lalong dumiin ang pagkakatingin niya sa akin. Lumakad siya palapit sa akin upang maabot ako. Hinawakan niya ang aking magkabilang braso pero agad kong inalis ang mga kamay niya.

"I think you're just stress. You should take a rest, Elle." mahinahon na sabi niya.

Marahan akong umiling at umatras ako patalikod. Hindi ako magpapahinga hangga't hindi ko nakikita si Ferocious.

"I don't want to rest! Ako ang hahawak sa kaso ni Ferocious. Sasama ako sa paghahanap sa kaniya." pagbibigay alam ko sa kaniya.

Agad siyang lumapit sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Umiling siya sa akin bago niya hinawakan ang aking braso. Katulad nang ginawa ko kanina ay inalis ko ito.

"Have you lost your mind? Hindi ka police o imbestigador para sumama sa trabaho nila. You're a soldier, PFC Clarke! Huwag kang makialam sa trabaho ng iba! May iba kang trabaho na mas importante sa taong iyon!" sambit niya. Mariin ang bawat salita na tila ba pilit niyang ipinaiintindi sa akin ang lahat.

"Wala akong pakialam. Sabihin mo sa akin kung sino ang may hawak ng kaso. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahahanap." determinado kong sabi.

I don't care If it's not my job. Ang mahalaga sa akin ay ang mahanap siya.

"Let the investigator do their job. Mag-focus ka sa trabaho mo. That's an order, PFC Clarke. If you didn't comply with my order, I will terminate you." Seryoso niyang utos sa akin.

Lumabas sa aking bibig ang mapang-asar na tawa. Did he think termination will scare me? So, what If he terminates me? Wala na akong pakialam doon. Tutal pabor din naman ito kina Daddy at Mommy dahil gusto na nila akong tumigil sa pinili kong career.

"Please, forget about him. Ako na lang ang mahalin mo, Elle. Gagawin ko naman ang lahat para sa'yo." kita ko sa kaniya ang maamong ekspresyon ng mukha. Nagsusumamo siya habang sinasabi sa akin ang mga katagang iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong yakapin. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Hinawakan ko siya sa dibdib upang ihiwalay siya sa akin. Sinubukan ko siyang itulak ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now