Kabanata 27

76K 2.2K 76
                                    

Kabanata 27

Lumapit si Ron sa aming pwesto. May dala siyang isang plato ng leche flan. Inilagay niya ito sa ibabaw ng lamesa. Nakita kong inismidan muna niya ako bago siya umupo sa upuan na nasa tabi ko. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Ferocious kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa unahan at pinagmamasdan ang mga tao.

Nasa birthday-an kaming dalawa ni Ferocious. Kaya kami nakapunta dito dahil kinaon kami ng tatay ni Ron kaya may nasakyan kami papunta sa bahay nila.

"Ate Elle, Gusto mo ba?" Rinig kong tanong sa akin ni Ron kaya napatingin ako sa kaniya.

Inilapit niya sa akin ang leche flan. Hindi ako tumanggi sa kaniyang inalok. Kinuha ko ito at pagkatapos ay sumubo ako. Nalasahan ko ang natamis nitong syrup. Tumango ako at napangiti. Masarap ang pagkakaluto noon. Malambot, matamis, at malinamnam.

"Ang bait mo yata ngayon, Ron?" puna ko sa batang lagi kong kaaway.

Ngumiti sa akin ang batang paslit at humalumbaba siya sa lamesa. Tumingin siya sa unahan kaya napatingin din ako sa tinitingnan niya. Titig na titig siya sa babaeng nasa unahan.

"Birthday ni Ate Rona." sambit niya kaya napangiti ako.

Kaya pala medyo anghel siya ngayon. Siguro ay pinagbantaan siya ng ate niya na huwag makulit dahil birthday nito. May kapalit ang pagiging mabait niya. Siguradong sinuhulan siya ng kapatid para maging masunurin at mabait sa ibang tao.

"Kaya ka mabait sa akin?" tanong ko.

Napansin ko ang pagnguso niya kaya napatawa ako. Wala namang kaimik-imik si Ferocious. Pinagmamasdan niya lang ang paligid. Itinuon ko ulit ang pansin kay Ron.

"Marami kasing pagkain kaya bibigyan kita." pagdadahilan niya.

Nagkibit balikat na lang ako. Alam kong hindi iyon ang dahilan. Kunwari ay naniwala ako sa kaniya.

"Akala ko naman bumait ka na." natatawa kong sabi.

Tiningnan niya ako at pagkatapos ay inilabas niya ang dila niya para mang-asar. Napatawa ako sa kakulitan niya.

"Pansin ko na hindi mo na ako inaasar katulad ng dati." pagkakausap ko sa kaniya.

Tumingin si Ron sa akin at pagkatapos ay pinagtaasan niya ako ng kilay. "Bakit? Namimiss mo ba ang pang-aasar ko sa'yo?"

"Hindi. Nakakapanibago lang." sabi ko at umiling ako.

"Hindi na naman kayo nagpapanggap diba? Wala na akong ipangtatakot sa iyo. Hindi na kita maaasar kasi wala na akong alas laban sa'yo." wika niya habang tinitingnan si Ferocious.

"Ganoon ba? So, hindi mo na talaga kami papakialaman?" tanong ko.

"Oo. Hindi na. Masaya na kayo ng boyfriend mo." sabi niya.

"Masaya na talaga kami. Minsan nga napapaisip ako na pasalamatan ka kasi may naging ambag ka din kung bakit kami mas napalapit." may ngiti sa labi na sabi ko.

Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hanggang ngayon ay nangangapa pa ako sa nararamdaman ko.

Inilahad ni Ron ang kamay niya sa akin. Nagtataka na tiningnan ko siya. Malawak ang pagkakangiti niya sa akin.

"Bakit nakalahad ang kamay mo?" kunot noo na tanong ko.

"Sabi mo dahil sa'kin kaya nagkaayos kayo ni Pogi. Pera. Patak patak naman d'yan." sabi ng makulit na bata.

Napangisi ako at humalukipkip ako sa kaniya. "Wala akong dalang pera. Tawad muna."

"May utang ka sa akin." sabi ni Ron. Narinig ko ang tawa ni Ferocious sa tabi ko.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon