Kabanata 11

85.4K 2.8K 546
                                    

Kabanata 11

Magdadalawang oras na ang byahe. Sa buong durasyon ng byahe ay hindi ako tumulog kahit na nakakaramdam ako ng antok. Minabuti kong maging attentive sa paligid.

Madilim na pero kita ko parin ang kagandahan ng paligid dahil sa maliwanag na buwan.

It's a full moon today. The luminous moon is so bright and big. Some people find it creepy but for me it's wonderful.

Napatingin ako sa nadadaanan naming palayan. Sobrang lawak ng taniman at tanging isang maliit na kubo lang ang nakita kong bahay sa gitna ng taniman.

Magandang pagmasdan ang buong paligid. Ang magkakadugsong na bundok ay napagkaganda pa lalong pagmasdan kasama ng kulay berdeng mga tanim na palay.

I can see everything. Thanks to the only moon on the earth.

Tanging konkreto lang na kalsada ang nasa gitna ng palayan. Walang katao tao sa parte na daan na ito. Sa bagay, gabi na at nakakatakot maglakad kung ganito ang paligid. Kakaunti ang bahay.

Staring at this scenery is like having a quiet and calm life. It's so peaceful. I never thought that this simple place like this can make me happy and contented.

This place can be Instagrammable if the sun is just visible.

Napangiti ako noong makita kong may isang alitaptap na dumikit sa may bintana. Simple things can make me happy.

Nawala ang ngiti ko nang biglang tumigil ang kotseng nasa unahan namin. Walang nagawa ang driver namin kundi ang tumigil din. Nagtatakang napatingin ako sa back seat. Si Ferocious ay nagtataka na din habang tinitingnan ang nasa labas.

Limang kotse ang nakaalalay sa amin.  Bukod ang kotse na sinasakyan namin ni Ferocious. Kami ang nasa pinaka-gitna. Ang ibang bodyguards ay nasa ibang sasakyan.

Fifty ang regular bodyguards ni Ferocious pero ang nakasama lang ay twenty-five na guards. Hinati ang sasama sa amin na bodyguards. Hindi ko iyon alam at sinabi lang sa akin ni Alpha Serño noong nasa byahe na kami. Nainis ako sa kaniya pero hindi ko na lang ipinahalata. Dapat alam ko dahil ako ang pinaka-head ng security ni Ferocious.

"Bakit kayo tumigil?" tanong ko habang kumukunot ang aking noo.

Sinubukan kong silipin ang nasa unahan pero hindi ko makita. Lahat ng convoy na sasakyan ay nakatigil din. Tiningnan ko ang orasan na nasa braso ko.

It's 1930 in the military time. Being in the middle of the road surrounded by rice fields is unsafe. The enemy can hide in the dark.

Ini-open ko ang listening device at pagkatapos ay tinanong ko si Alpha Serño sa kabilang linya.

"Na-flat po ang gulong na nasa pinaka-unahan na kotse." Sagot ni Alpha Serño.

"Okay. Maghihintay na lang kami." sagot ko habang nakakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba.

"What's happening?" rinig kong tanong ni Ferocious sa likod.

Tiningnan ko siya at nakita ko ang nakakunot niyang noo. Nagkibit balikat ako habang tinitingnan siya.

"Nasiraan ang isang convoy." sagot ko sa kaniya.

"Hihintayin na lang ba natin o aalis na tayo? Pasunurin na lang ba natin?" pagtatanong ko sa kaniya.

Marahan siyang umiling habang nakikita kong naging kalmado siya. Umayos siya nang pagkakaupo.

"Maghintay na lang tayo." sagot niya kaya napatango ako.

Sinabi ko iyon kay Alpha Serño. Napatingin ako sa driver namin na kalmado lang na nakatitig sa labas habang pinaglalaruan niya ang daliri sa taas ng manubela. Ibinalik ko ang tingin sa labas ng kotse.

The Billionaire's Gorgeous KeeperHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin