Kabanata 31

81.8K 2.3K 165
                                    

Kabanata 31

"Fe-rocious." mahinang bulong ko.

Sinubukan kong imulat ang aking mga mata. Tumambad sa aking paningin ang puting kisame. Unting-unting umagos ang masasagana na luha sa aking mga mata nang maalala ang nangyari kay Ferocious.

Parehas kaming nabaril pero mas malala ang nangyari sa kaniya. Nahulog siya sa may talon.

"She's awake." rinig kong sabi ng isang familiar na boses. Nakita ko ang mabilis na paglapit ni Mommy sa aking tabi.

"Thanks God!" rinig kong sabi ni Daddy.

Naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay. Sunod na lumapit si Daddy sa akin. Hinawi niya ang mga luhang tumutulo sa aking pisngi.

Si Ferocious? Natamaan siya ng bala. Buhay pa ba siya?

Naramdaman ko ang pagbara ng kung ano sa aking lalamunan. Tila parang pinipigilan nito ang maayos kong paglunok ng laway. Kagat ang ibabang labi na pinigilan ko ang paghagulgol. Ang mahal ko....nakaligtas ba siya? Buhay kaya siya?

Alalang-alala ko ang kaniyang itsura noong barilin siya. Ang bawat balang sumugat sa kaniyang katawan ay halos ika-sakit din ng puso ko. Ngayon ay halos patayin ako nang pag-aalala at sakit. Ramdam ko ang pagkirot ng aking puso. Ang Ferocious ko.... ayoko siyang mamatay. Gusto ko pa siyang makasama habangbuhay.

Gusto ko pang makasama siya at mahalin hanggang sa tumanda kami... gusto ko pang makasama siya kasama ang mga magiging anak namin. Ngunit paano na ang mga pangarap ko kung mawawala siya?

"Anong nararamdaman mo? Stop crying, anak. Everything will be alright." rinig kong tanong ni Mommy.

Magiging maaayos pa ba ang lahat sa akin? Paano kung wala na siya? Paano kung iniwan niya na ako? Ayokong isipin na patay na siya pero hindi ko magawang maging kampante ngayong hindi ko siya nakikita.

Ang Ferocious ko.. mahal ko...N-asaan ka?

Nanghihina na pinilit kong bumangon sa kinahihigaan. Hinawakan ako ni Daddy sa braso at pinigilan ako sa gagawin. Naramdaman ko ang pagkirot ng mga parteng tinamaan ng bala. Mas masakit ang nasa tagiliran ngunit mas masakit pa rin ang puso ko.

Mas mabigat dalahin ang emosyonal na sakit.

"Huwag kang bumangon, anak." mahinang pagsuway niya sa akin.

"S-si Fe-rocious, D-dad?" Pinilit kong magsalita habang may panghihina na hinawakan ko ang kaniyang kamay.

"Si Mr. Exousía? Hindi pa rin siya nakikita hanggang ngayon." sagot ni Daddy sa tanong ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya tanda ng naguguluhan siya.

Hindi pa rin siya nakikita?

Tila para akong nawalan ng lakas nang marinig ko ang sinabi niya. Unting-unting lumuwag ang pagkakahawak ko sa braso ni Daddy.

Hanggang ngayon ay hindi pa siya nahahanap? Mas lalo kong naramdaman ang matinding sakit sa puso ko. Baka nalunod na siya? Hindi.....hindi maaari.. buhay pa siya.

God, Please....sana buhay pa siya....

"Tubig." tipid na sabi ni Daddy at agad kumuha si Mommy ng tubig.

Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko. Hindi ko na maiwasang mapahagulgol dahil sa sakit at pag-aalala kay Ferocious. Mahal ko...huwag ka namang mang-iwan.

"Tahan na, anak." pag-aalo sa akin ni Daddy.

Malakas akong napahikbi at umiling. How can I stop crying when I'm hurting. Sobrang sakit...ang bigat bigat sa pakiramdam. Ayokong tanggapin. Hindi ko tatanggapin na patay na siya. Ayoko!

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now