Kabanata 37

111K 2.9K 1K
                                    

Kabanata 37

Napatigil kami sa paghahabulan ng anak ko nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Maxton. Parehas kaming lumingon sa mansyon.

"Elle, where are you?" ulit na tawag sa akin ni Maxton.

Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ko ang anak ko. Hinawakan ko ang kaniyang buhok at ginulo ko ito. Ngumiti ako sa kaniya kaya napangiti din siya.

"I'm here!" Sagot ko sa kaniya.

Wala pang dalawang minuto ay lumabas na si Maxton. Nilapitan niya ako at pagkatapos ay hinawakan niya ang aking braso. Marahan kong inalis ang pagkakahawak niya.

"Bakit ba lagi kayong nasa garden?" mariin niyang tanong sa akin.

Nakalipat na kami sa isang mansyon na may matataas na pader na nakapalibot. Dalawang taon si Vicious noong umalis kami sa dating mansyon na may malawak na lupain.

Naramdaman ko ang pagsiksik ng limang taong gulang kong anak sa aking braso. Bumuntong hininga ako at hinawakan ko ang aking anak sa balikat. Yumakap siya agad sa aking tiyan. Takot siya kay Maxton dahil lagi itong nakasigaw sa kaniya.

"Gusto lang naming magpahangin ni Vicious, at maglaro dito sa garden." sabi ko.

Tiningnan niya ako nang mariin bago siya tumungo upang tiningnan ang aking anak.

"Pabayaan mo 'yang anak mo d'yan. Sumunod ka muna sa akin." walang kaamor-amor na sabi niya.

Kumunot ang aking noo. Hinawakan ko ang aking anak sa braso dahil mas lalo siyang sumiksik sa aking katawan.

"Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"May pag-uusapan tayo." sagot niya sa akin.

Bumuntong hininga ako at pagkatapos ay tinapik ko ang braso ni Vicious. Napatingala siya sa akin.

"Anak, dito ka muna, ha? Babalik si Mommy." Pagbibigay alam ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagtutol sa mata niya pero tumango din naman siya. Humiwalay siya sa akin ng pagkakayakap.

"Sige po, Mommy. Hihintayin po kita." Mahina niyang sabi.

Ginulo ko ang buhok niya na hanggang balikat. Kulot din ito katulad ng buhok ni Ferocious. Napangiti ako ng pilit nang maalala ko siya. Taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya naaalis sa puso at isipan ko.

Malalim na napabuntong hininga ako. Ngunit nakakatampo lang dahil hindi niya ako hinahanap.

Sumunod ako kay Maxton sa paglalakad. Lumingon muna ako upang tingnan si Vicious na naglalaro sa may garden. Kasama niya naman ang mga bodyguards ni Maxton pero hindi pa rin ako panatag na magiging ligtas siya. Nang makarating kami sa kaniyang opisina ay umupo agad siya.

Hindi na ako nag-abala pang umupo dahil alam kong mabilis lang ang aming pag-uusapan.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko kay Maxton.

"I'm planning our wedding." diretso na sabi niya.

Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Kasal? Ilang taon na niya akong pinipilit ngunit hindi pa rin ako pumapayag sa gusto niya. Binigyan niya ako ng panahon para maging handa ako. Hindi pa rin sapat ang limang taon para sa akin. Hindi ko naman kasi siya mamahalin.

Kung hindi niya lang ako hawak sa leeg ay tatakas kami dito ng anak ko. Hindi ko lang kaya dahil ayokong mapahawak ang anak ko, pag gumawa ako ng mali.

"K-asal? Akala ko ba ay sa isang taon pa tayo ikakasal?" tanong ko.

Nabanggit niya sa akin na pag naging anim na taong gulang na si Vicious ay tsaka lang kami ikakasal. Ayoko siyang pakasalan ngunit anong magagawa ko kung hindi namin kayang makatakas? Hindi naman siya mahigpit dahil nakakagalaw naman kaming mag-ina ng ayos pero lagi namang may bantay.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon