Kabanata 14

81.3K 2.7K 653
                                    

Kabanata 14

Maayos kaming tinanggap nina Aling Kami at Mang Juan. Hindi kami nagkaproblema sa paghahanap ng makakain dahil binigyan nila kami. Sobrang bait nila. Lahat ay inaalok nila sa amin kahit na sapat lang ito sa kanila.

Nakakaramdam ako ng pagkapahiya kaya napagdesisyunan ko nang kausapin si Aling Kami tungkol sa pagtatanong ng available na trabaho. Nakakahiya dahil pinahiram na nila kami ng tirahan tapos makiki-kain pa kami sa kanila.

If I'm ashamed because they keep on giving us everything that we need, I don't think Ferocious felt the same way.

He looks like he's not ashamed. Mukha ngang ayaw magtrabaho ng lalaking iyon at gusto na lang umasa sa mag-asawa.

"Aling Kami, may alam po ba kayong pwede naming pagtrabahuhan?" pagtatanong ko sa Ginang habang kumukuha pa ng kanin.

We are all eating together. Aling Kami cook laing for our lunch then, Mang Juan fried some dried fish. Our lunch was filled with laughter because of Mang Juan's Jokes.

Hindi naman nakikisali si Ferocious sa tawanan namin dahil tahimik lang siya habang nakatingin sa hapag-kainan. Kunot na kunot ang noo niya habang tinitingnan ang ulam na bago sa paningin niya. Hindi parin siya kumakain, nakailang kuha na ako ng kanin pero hindi parin siya nakilos.

I want to pinch his ear because he's being choosy. Nag-i-inarte na naman dahil sa pagkain. Alam kong hindi niya gusto ang ulam namin pero dapat naman ay makisama na lang siya at kainin na din ang pagkain na available.

Ayaw niyang kumain. Sa sobrang pag-iinarte niya ay nainis na talaga ako sa kaniya kaya ako na ang magsusubo ng pagkain sa bunganga niya. Tinapakan ko ang paa niya kaya napasigaw siya at napanganga.

I take that as an advantage to put the food inside his mouth. His eyes widened because of my surprising action. Hindi niya iyon inaasahan.

Nakapaghugas na naman ako ng kamay kanina dahil kamay ang ginagamit ko sa pagkain. Dalawa lang kasi ang kutsara nila Aling Kami dito.

"Mahal, ako na ang nagsubo sayo. Alam ko naman na nahihiya ka lang kaya hindi ka kumakain." malambing kong sabi habang ipinapasok pa sa loob ng bibig niya ang daliri kong may nakalagay na pagkain.

Tumaas ang gilid ng aking labi dahil sumilay doon ang ngisi. Iniikot ko ang aking mata nang makita ko ang nanlilisik niyang mga mata.

"Nguya, mahal. Kung ayaw mong matulog sa labas mamaya." pagbabanta ko sa kaniya. Ang aking mukha ay sobrang aliwalas dahil sa pagkakangiti.

Inalis ko ang kamay ko sa kaniyang bibig. Hindi niya nginuya ang pagkain at nakatingin lang siya sa akin.

Wala siyang reaksyon. Ang aking paningin ay nasa kaniya lang. Nagtitigan kami habang isinasawalang bahala ko ang aking kakaibang nararamdaman. Mabilis na naman ang pintig ng puso ko.

Hindi ko inaalis ang atensyon ko sa kaniya. Pinanlisikan ko siya ng mata at hinawakan ko ang baba niya.

"Ngumuya ka na, Mahal. Go and eat that." May pananakot sa boses na sabi ko. Mas maganda sigurong sabihin na utos iyon.

Masuyo kong hinaplos ang kaniyang pisngi noong simulan niyang nguyain ang pagkain na isinubo ko.

"Good." nakangisi na sabi ko pero inirapan niya ako.

"Ineng, ayaw niya ba sa pagkain? Ibibili na lang namin siya ng caldereta sa karinderya." nag-aalala na tanong ni Aling Kami.

Napaiwas ako nang tingin kay Ferocious at lumipat kay Aling Kami ang aking atensyon. Itinaas ko ang aking kamay upang ikumpas iyon. Sumilay ang malawak na ngiti sa aking mukha upang ipakita sa Ginang na hindi na kailangang gawin ang suhestiyon niya.

The Billionaire's Gorgeous KeeperWhere stories live. Discover now