MGD 44 - Ceremonial Farewell

175K 5K 1.5K
                                    

Clarification: I never said that Terrence died on the previous chapters. Wee, hindi ko sinabing he stopped breathing or nawalan s'ya ng pulse rate. Ang sinabi ko lang ay pumikit s'ya. Literally, I never said anything related of his death. Maayos ang pagkakasulat non. So if ever you have questions, don't hesitate to react. Maybe, kung may fault ako, sabihin n'yo kasi para mas maging maganda 'yung kwento at para walang plot holes. Anyways, lagi akong nagreresearch about sa mga sinasabi kong terminologies sa kwento ko. So kung sa chapter na 'to ay may makita kayong butas, edi go. Highlight lang tapos comment. Open naman po ako sa constructive criticism. Hehe :)

Please like my fan page. Just type on the search bar of facebook, "SweetAdmirer's Novels". Doon ko ipopost ang epilogue kapag napost 'yung last chapter (Haha!)

*****
MGD 44 — Ceremonial Farewell

Carl

My mom always told me that you need to learn the meaning of life as well as the meaning of love. "You can go.." she said. Umalis na ako kaagad sa bahay namin para puntuhan si Trish sa ospital. She had enough, she's hurt and she's devastated.

Nawalan ako kapatid, kaya alam ko ang pakiramdam n'ya ngayon. Masakit mamatayan ng mga taong mahal mo, mga taong napamahal na sa'yo.

Grief will end when it is naturally comes to a conclusion.

Nakasuot ako ng plain white shirt ngayon, because today is supposed to be the ceremonial farewell for Tristan. Everytime, I remember what he told us ay nalulungkot pa rin ako.

Matapos kaming iwanan ni Terrence sa bar ay napagkasunduan naming sundan s'ya. It really alarmed us noong nakita namin ang pag-aalala sa mukha n'ya. "Ano ba, leche naman, ba't traffic?" sabi ni Kurt sa akin habang nagdadrive ako. Tinapik naman s'ya sa balikat ni Dominique para mapakalma 'to.

"Bakit kaya nagmamadali si Terrence?" tanong ko sa kanila pero wala silang ideya. Pare-pareho kaming clueless sa mga nangyayari.

"Bilisan mo naman magdrive, Carl!" muntik ko ng bitawan ang manibela at suntukin si Kurt sa mukha kaso hindi ko magawa dahil nagmamaneho ako. Kung tutuusin, ayaw kong nagdadrive ng mabilis dahil hindi ako sanay. Mahal ko pa ang buhay ko.

"Ano ba 'yan! Unattended ang phone ng kumag!" gigil na sabi ni Kurt. Kung mayroon mang nabuo sa grupo namin, 'yun ang pagsasamahan. Mahal namin 'yung isa't isa kahit pa mga baliw kaming lahat.

"Call, Trish." said Dominique at nagstart ng magdial si Kurt pero wala pang isang minuto ay binato n'ya ang phone n'ya sa labas ng bintana ng kotse. "Why?" asked Dominique, his brows' furrowed.

"Patay din ang phone!" mas lalo akong kinabahan sa sinabi n'ya. Mas bumilis pa ang takbo ng pagmamaneho ko dahil na rin sa kutob ko? "Ano ba 'yan, mga bro! Kinakabahan ako!" napahawak si Kurt sa diddib n'ya. Kahit makapal ang mukha ng kumag na 'to ay tinatablan pa rin s'ya ng kaba.

"Bakit bukas ang gate?" tanong ko sa kanila noong nakarating na kami sa bahay nila Trish. "Si Quencess 'yun 'di ba?" tanong ko noong nakita ko s'ya na takot na papalabas sa bahay. May kung ano ang nagtulak sa akin para lapitan s'ya.

"Anong ginagawa mo rito?" mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso n'ya at inis na tiningnan n'ya ako.

"Damn you, Carl! Bitawan mo nga ako!" she looks paranoid, "Si Russel ay nasa loob at nakahiga sa sahig!" sigaw n'ya at napatigil ako. Tumakbo kami kaagad sa loob ng bahay at nakita namin si Russel na nakahawak sa dibdib at nakahiga.

"Bro! Bro!" tapik ko sa kanya, nasa tabi ko sila Kurt at binuhat ni Dominique si Russ na nakahiga.

"We need to hurry!" sabi ni Dominique at nagmamadali kaming lumabas, "Hanapin mo sila Trish!" utos n'ya sa akin. We were about to run noong idinilat ni Russel 'yung mata n'ya.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon