MGD 20 - Stuck In A Moment

280K 7.5K 842
                                    

Dedicated to: @AkoyIsangPagong for the lovely covers of my stories. 

Good music while reading this one - Play (The Way You Look at Me by Christian Bautista)  

******

MGD 20 — Stuck In A Moment

"Wala munang pwedeng makaalam na tayo na, ok?" his eyebrows furrowed. Yeah I know na tatanggi s'ya dahil sa sinabi ko. But I like it to keep it as a secret first. Hindi pa ako handa na sabihin sa mga kaibigan at sa mga taong nakakakilala sa akin. Just an instance, I have a boyfriend named Terrence Andrew Sy. Oh diba? Who would have thought? Ang bilis naman na naging kami.

Oh please, I'm not being an easy-to-get. Marami ng nangyari sa aming dalawa and I think that's enough para sagutin ko na s'ya. I'd love him and he loves me. I think that's fair enough.

"Why? Kinahihiya mo ba ako?" tinusok ko 'yung tagiliran n'ya but his reaction was still the same.

"Sira! Hindi 'no! Bakit mo naman naisip 'yan ha?" I asked.

"Sabi mo ayaw mong may makaalam sa relasyon natin? Ano bang gusto mong isipin ko don?" he explained.

"Sasabihin din naman natin sa kanila. But lets enjoy it first ng tayo lang ang nakakaalam. Look, maraming nagkakandarapa na manligaw sa akin and yet, sa isang panget na katulad mo ako bumagsak. See? How grateful and lucky you were."

"Wow naman freak, ikaw pa talaga ang nagsabi n'yan. Kabahan ka naman!" he said and chuckled. Tila nasaktan at natapakan ko pa ata ang ego n'ya ng dahil sa sinabi ko.

"Okay, maganda ako. Ikaw pangit, so ano ba! Huwag ka na ngang magreklamo jan! Bilisan mo magdrive at kanina pa nagagalit ang kapatid ko!" my phone got lowbat. See? Ang saklap lang diba? Ano kayang magiging reaksyon ni Tristan kung malaman n'ya na may boyfriend na ako? Baka maghysterical na naman s'ya.

Kanina he already explained about his relationship with Denisse. Totoo ngang kapatid n'ya iyon, at talagang birthday party ang in-attend(an) ko. Isinabay pala ang engagement party ng ate n'ya sa birthday nito. So Eli Denisse Sy ang name ng ate n'ya while his fiance is Terrence Alexander Monteclaro. Kapangalan lang pala ng tukmol na 'yon ang fiance ng ate n'ya.

He also said na tatlo silang magkakapatid, hindi n'ya lang madalas mabanggit ang tungkol sa ate n'ya. Madalas daw itong nasa ibang bansa dahil na rin isa itong business woman.

Noong nagkita kami sa gym ay pinalano n'ya raw talaga na lagpasan ako at dahil doon ay pinagkukurot s'ya. Walang hiya talaga! Depensa n'ya naman, gusto n'ya raw iparealize kung sino raw s'ya sa buhay ko and he succeed.

That's why noong mabasa ko ang letters n'ya ay kinagabihan din ay nag-compose ako ng sulat. Diba nga his last letter says na sumulat ako pabalik kung mahal ko pa raw s'ya and I did. I remember what I wrote there. Tho, it is simple pero you know what, galing sa puso ko 'yun. Ew, ang korny.

Halimaw,

Ang drama ng mga letters mo 'no? Omg, ang korny mo. Wait, did you know that your penmanship sucks? Ang pangit ng sulat mo, walang pinagbago. Para kang cross-breed ng manok at ng tao. Seriously, pasalamat ka at pinagtiyagaan ko basahin 'yung mga sulat mo. You know why, because I'm awesome.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon