MGD 12 - She made her decision

301K 6.4K 1.2K
                                    

Ang tagal ng update kasi ang gwapo ko.

Dejoke lang, busy ako, estudyante rin ako katulad n'yo, officer ng engineering, at nag-eedit pa ng manuscript. Huwag naman demanding, okay? Hahaha!

*****

MGD 12 - She Made Her Decision

Great, I am back to work. Tinawagan ako ng manager ko na si Mr. Martinez. Sa tagal ng pagsstay ko sa Pilipinas ay ngayon lang ako makakabalik sa pagtatrabaho, fine, we must move on. Either na tumambay ako o magrelax ay mas maganda na bumalik na ako sa pagtatrabaho. Anyways, I miss the lenses of the cameras.

"Last pose, Trish." I gave my seductive smile and a fierce look. Well, animalistic ang theme ngayon ng photoshoot. Nakapinta sa katawan ko ang prints ng isang tiger.

"Perfect! That was a blast! Good job!" I beamed at the crew. Lumapit naman sa akin si Manager at binigyan ako ng jacket.

"Next meeting, you'll have a photoshoot with a guy. You should rest na. Alam kong pagod ka na." nataaas na lang ang kilay ko sa kan'ya.

"When will be the presscon?" I asked. Excited na din kasi ako na humarap sa telebisyon at makita ng maraming tao. Handa na ako ngayon.

"Next week din siguro? Wala pang definite na schedule pero kung nagmamadali ka. Go lang." napairap na lang ako sa kan'ya at bumuntong hininga.

"Seriously, manager ba kita? Sige push lang, nakakapagod ka kausap. Mauna na ako." nagtungo ako sa shower room. Gusto ko din naman na maalis na ang mga pinta ko sa katawan.

Pagkapasok ko sa loob ng shower room ay dali kong binuksan ang shower. The cold droplets of water stream down on my skin, I feel so refreshed.

Nakakapagod talaga ang mapagod.

God, nakakapagod talaga maging model. Ang akala kasi ng iba ay napakasarap dahil pangiti-ngiti ka lang sa camera. Hindi nila alam kung gaano kahirap ngumiti ng ilang oras, kung paano magmaintain ng posture, kung paano mag-diet, yung araw araw kang naglalagay ng kung anu ano sa katawan mo para mamaintain mo ang kagandahan mo, yung nagmistulang experiment ang buhok mo dahil sa iba ibang ayos at kung paano ginawang canvass ang mukha mo. I sighed, pinili ko 'to at siguro dito na rin ako nakatadhana.

Matapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng simple pero ewan ko ba kung bakit ang simple na nga ng suot ko ay mukha pa ring elegante? Iba talaga kapag dyosa ang nagsusuoot. Psh!

Anyways, pumunta na din ako sa kotse ko. Pero mukhang nagkamali ata ako ng desisyon, "Pwede bang mag-usap tayo?"-I looked at her with disgust-"Bestfriend?" napabuga na lang ako ng hangin dahil sa sinabi n'ya.

"Bestfriend? Seriously, alam mo ang salitang 'yon?" she reached for my hand. Noong nagtama ang mga mata namin ay bigla na lang s'yang napaluha.

"I-Im s-so s-sorry." pinilit kong tatagan ang loob ko at huwag magpadala sa kadramahan n'ya pero mas nanaig ang puso ko. Hinawakan ko pabalik ang kamay n'ya at dinala sa loob ng kotse ko. May mga nagdaraan na tao sa paligid and I don't want them to see Steph cying. Maraming judmental na tao, baka magconclude kaagad sila basta basta at gawan pa ako ng issue and I won't let that to happen.

I reached for the tissue box sa dashboard ng kotse ko at ibinigay sa kan'ya, "Thanks." she muttered. Hindi ko alam kung bakit ako nagpadala sa iyak n'ya, I know Stephanie for a long time, ang tagal ko din s'yang naging kaibigan. And those eyes were telling me the truth, walang pretension na nangyayari. Masasabi kong nakikita ko na naman ang dating kaibigan ko.

Nag-drive lang ako hanggang makarating kami sa resort nila. Mabuti na lang at sa Batangas ginanap ang shoot kaya madali kaming nakapunta dito. Dito kami madalas nagpupunta ni Steph, pagmamay-ari nila ang resort na 'to.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon