MGD 26 - Freak & Monster

272K 5.7K 624
                                    

I feel like updating today 'cause I'm hot.

******

MGD 26 - Freak and Monster

Straight three days na rin akong kinukulit ni Terrence. Alam n'yo 'yung feeling na walang kaeffort effort ang surprise n'ya? Scratch that, matatawag bang surprise 'yon e sinabi n'ya naman sa akin? Hays, shunga talaga.

Mas trip ko ang ganitong relationship, hindi man perpekto ay happy lang kami. Yung nagbubugbugan, sakitan, nagmumurahan, minsan sweet at minsan hard, minsan walang pansinan, may tampuhan. Dahil naniniwala ako kung puro saya lang ang nararamdaman n'yo ay parang walang love. Masaya ka nga pero mas marerealize mo na mahal mo s'ya kung may pain. Hindi man perpekto pero masaya ka naman.

"Tristan, kailan ka pa naging selfie king?" kanina pa rin ako naiirita sa kapatid kong vain na vain sa pagpose. Ano na naman bang naisipan ni Tristan at nahiligan ngayon magselfie?

"Shh, quiet. I'm searching for the right angle." he said.

"Nako, kahit anong gawin mo. Hindi mo maitatago ang matulis mong baba. Nonetheless, asset mo kaya 'yan. Kyot kyot nga e." nilisikan n'ya ako ng mata pero lumapit ako at inagaw sa kanya ang iPhone n'ya.

"Bibilang ako ng tatlo, magpose ka." ini-switch ko ang camera para maging front.

"One...two...three.." narinig ko ang pagtunog ng shutter.

Gahd, for sure ay maganda na naman ako sa picture namin na 'to. At pagtingin ko sa camera ay napadrop jaw na lang ako.

"Bwisit ka talaga!!!" pero wala na s'ya at nakatakbo na papunta sa kwarto n'ya. Ugh, lagyan ba naman ako ng sungay? Wtf, sa bait ko na 'to?

***

Nandito lang ako sa sala at nakaupo sa couch, may isang orange juice na nakalagay sa tall glass at may hawak hawak akong bowl ng mga ubas. Ipinatong ko rin ang paa ko sa glass table sa harap ko.

"Hay, sarap sa feelin-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang dumating si Steph.

"Kyaaaa!!!" tili n'ya. Biglang gumana ang mga senses ko at kinuha ko ang baso ng juice. Ini-straight ko ito at noong masigurado kong wala ng laman ito. Ay inasinta ko na si Steph..

"Ahhhhhhh! No sis, mababasag ang mukha ko jan." takot na takot s'ya na lumapit sa akin at inagaw ang baso sa kamay ko. "Ano ka ba, pati ba naman ako pagtitripan mo?!"

"Wow naman Stephanie, ginulat mo lang naman ako 'no?! Ano sa tingin mo ang gagawin ko?! Alam mo kung hindi kita talaga kaibigan ay binato na kita ng glass table."

"Ang hard mo naman sa akin best, naku..kung hindi lang talaga kita namimiss ay hindi na ako nag-abalang puntahan ka pa."

"Really? As if namang namimiss kita." she pouted and I chuckled.

"Alam mo, lagi kong pinagdarasal na sana bumait ka naman ng konti or sana matanggal naman ang sungay mo kahit isang araw lang."

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon