MGD 48 - The Six Keys

172K 5.2K 1.1K
                                    

Please follow me on my twitter account. (@giedragon). I recently changed my old username. Add the hashtag #MyGreatestDownfall. That's also my insta name.

******

MGD 48 — The Six Keys

"...daddy ka na." I whispered. I felt him stunned for a moment tapos bigla akong natawa.

"Ako?" tanong n'ya habang nakaturo sa sarili. Tumango naman ako, "Paanong naging daddy ako?" he questioned at inaabot ko sa kanya si Yusef. "Bakit mo sa akin inaabot 'yan? Hindi ako marunong." he admitted and he distanced himself.

"Kargahin mo naman itong anak mo." sabi ko sa kanya habang lumalapit. Paurong naman s'ya ng paurong.

"About nine months ba akong nacoma?" tanong n'ya. Ganon pa rin ang ginagawa ko, lumalapit ako habang kalong kalo ko si Yusef habang umaatras s'ya.

"No." sagot ko at mas naging visible ang pagtataka n'ya.

"Sperm ko 'yan?" tanong n'ya at bigla akong nag-iwas ng tingin.

Tumalikod ako sa kanya at ako naman ang hinahabol n'ya. Ganun pa rin ang sistema, naglalakad ako papalayo sa kanya habang nakabuntot s'ya.

"Walang clue hanggat hindi mo s'ya kinakarga." naglakad ako papalayo sa kanya at nahinto sa isang stand ng ice cream. Dirty ice cream ata ang tawag dito?

"Paano ba?" tanong n'ya at bigla ko s'yang hinarap. Lumapit ako sa kanya upang ibigay si Yusef.

"Carry him, dali!" pagchi-cheer ko at halatang naguguluhan s'ya, he looks so scared. "Very good!" puna ko at buhat buhat n'ya na si Yusef na sobrang tahimik.

"Shit!" he cursed at napatingin sa akin ng may pag-aalala, "Baka mabali ang buto n'ya?" tanong n'ya at umiling ako. Inisnob ko muna s'ya at itinuon ko ang atensyon ko sa ice scream stand.

"Isang ice cream, vanilla flavor please." I said to the ice scream vendor.

"Hoy freak! Bakit isa lang?! Paano ako?!" reklamo n'ya habang inuugoy gamit ang bisig n'ya si Stefan. Syet ka Sy, ang hot mong daddy pag nagkataon!

"Shut up! Kapag 'yan umiyak, Sy, sinasabi ko sa'yo.." pagbabanta ko at nag-focus sa pag-iwi kay Yusef.

"Oo na. Ang daya! Tsk!" nagstart s'yang mag-hum at napangiti ako. "Sa sperm ba talaga kita galing?" tanong n'ya kay baby Yusef ng pabulong.

"Ma'am, cup or cone?" tanong ni Manong. Wow, english.

"Of course, cone." I answered. "Pakidamihan ng scoop and tissue!" I motioned at natapos na rin si kuya sa kaartehan n'ya. "How much?" tanong ko at inabot ko ang 500 pesos. "Keep the change, mayaman ang daddy ng anak ko." napangiti na lang si Manong sa pagtataray ko. Aba, dapat lang. Naka-500 pesos na s'ya sa ilang scoop lang at may maganda pang customer.

Naglakad ako uli at gusto ko sanang pumunta sa pwesto namin ni Yusef kanina. Doon sa may mat namin na kung saan nandoon ang stroller n'ya.

"Answer me now, sperm ko ba talaga 'to?" tanong n'ya at ngumiti ako sabay dinilian ang napakasarap na vanilla ice cream.

"Shit ka talaga freak, huwag kang dumila! Iba ang naiimagine ko!" hindi ako nagpatinag sa sinabi n'ya at dinilian ko ito ulit.

"Mamaya mo na lang ako tanungin, heh!" inirapan ko s'ya at naglakad uli. Yan, buti nga sa'yo, mag-alaga ka ng bata kang hukluban ka. Pagkatapos mo akong pagdusahin ng ilang buwan! Ilang buwan akong malungkot ng dahil sa'yo.

"Favorite ko rin 'yan, vanilla." sabi n'ya at sumabay sa paglakakad ko.

"Oh ano ngayon? Tinatanong ko ba?" mataray na tanong ko.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon