MGD 16 - These Letters

288K 6.8K 1K
                                    

Stalk me here: http://www.facebook.com/gierome.wattpad

Basahin nyo naman ang Living with Mr. Ice! Thank you Rank 3 sa Teen FIction at Rank 7 Humor! Ginanahan tuloy ako! Haha! Happy400k!  

Don't play the music unless I told you to do so. Okay? 

*****

MGD 16 — These Letters

Bago ako umuwi ng bahay ay napagdesisyunan ko na mag unwind. Hays, kakastress! Nasstress ang kagandahan ko kaya minabuti ko na lang na pumunta sa café ng magaling kong bestfriend.

Pagkarating ko doon ay dali dali akong naglakad papasok sa loob. Tiningnan pa ako ng guard ba halos nagulat dahil sa presensya ko. Ganun rin ang mga lalaking barista at crew dito sa loob. Marahil ay hindi pa rin sila nakakagetover sa pagmamaldita ko dito. Sino ba namang makakalimot sa pagtapon ko ng frappé sa sahig, ako pa lang ata ang nakakagawa n'yan.

Mabalik tayo sa Sweet Starl's Café. Oh tunog bitter ang pangalan diba? Sino ba naman kasing shunga ang magpapangalan ng ganyan diba? Ipangalan daw ba sa nabuong Steph at Carl. Kung hindi ba naman shunga. Edi sana maraming customer, pangalan pa lang ng café tunog malas na.

Umupo ako kaagad sa isang couch since ayaw kong nauupo sa wooden chair dahil sumasakit ang butt ko doon. Agad akong binigyan ng waiter ng isang baso ng malamig na tubig.

"Sa tingin mo ba nauuhaw ako?" tanong ko sa kan'ya. Tila nasindak naman s'ya dahil sa sinabi ko.

"A—ano k—kasi Ma'am. G—ganun p—po talaga ang ginagawa d—dito." mahina akong tumawa dahil sa nerbyos n'ya. Ang taray ah, gumagana pa rin pala ang ganyang tono ng pananalita ko.

"Hoy gaga, sinong nagsabi sayong mangmolestiya ka ng mga crew ko?" nakita ko ang isang babaeng nakapula na papalapit sa akin na animo'y umattend sa isang birthday party. "Athan, you may go now. Ako na bahala ang magsilbi sa customer na 'to." umupo s'ya sa harap ko habang ako naman ay iginala ang mata ko sa loob ng café.

"So Starl Café pala ang name ng shop mo?" nagsalubong naman ang kilay n'ya dahil sinabi ko sabay sumimangot. Aba, nagsasabi lang naman ako ng totoo. "Buti hindi bitter ang mga tinitinda mo rito?" nag-fake laugh ako habang si Steph naman ay hindi maipinta ang mukha.

"Sige, gan'yan tayo e." nagtatampong sabi n'ya. Hindi na ako nagulat sa sinabi n'ya.

"So bakit Starl?" pang-uusisa ko. And great, mas lalo akong natawa sa reaksyon n'ya.

"Alam mo masarap ang mga pastries at frappe ko dito. Kain ka!" inirapan ko na lang s'ya sabay sabing, "Change topic? Hahaha! Dahil d'yan, ilibre mo ako." a'right, hindi ako kuripot.

Inirapan n'ya ako at sinunod anang gusto ko. Yan, tama 'yan. Dapat pinagsisilbihan ang mga magaganda.

Pagkadating n'ya ay inabot n'ya sa akin ang frappe. Hinawakan ko naman ito ay s'ya ay nagpanic noong nagsalita ako, "Anong masarap gawin sa frappe mo?" ngumisi ako ng nakakaloko. Poor Steph, may kashungahan.

"A—ano ba! Huwag ka ngang magkalat dito!" hinawakan n'ya ang frappe ay ang kamay ko at pilit na ibinababa sa table.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon