MGD 25 - Ice Packs

219K 5.8K 872
                                    

Sorry natagal, busy sa school.


*****

MGD 25 — Ice Packs

She looked at me as if nothing happened, "Hi there!" she beamed. Nag cross legs ako at tingnan s'ya mula ulo hanggang paa.

"I don't remember that we are close? Aren't we?" base on her reaction parang nagulat pa s'ya. Baket? Totoo naman na hindi kami close ah? Wala akong narinig na balita sa kanya dahil wala naman akong pakialam.

Tingnan mo nga rin naman ang pagkakataon oh, dito pa talaga kami pinagkitang dalawa. How awesome is this?

Humakbang s'ya papunta sa kinaroroonan ko, at hindi ako magsasawang makipagsukatan ng tingin sa kanya. Hinawakan naman ako ng magaling na lalaki na nasa tabi ko sa aking balikat pero tinabig ko lang iyon.

"Babylove naman.." pag-aamo n'ya. Ngumiti naman ako ng wagas sa kan'ya, "Don't worry babe, wala akong gagawing masama." mahinahong sabi ko.

Ibinalik ko muli ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko, "Oh so feeling martir ka ngayon? Hah?" tinaasan n'ya ako ng kilay pero mas itinaas ko ang kilay ko. Anong akala mo, forte mo ang pagtaas ng kilay? Duh!

Hindi ako sumagot dahil wala s'yang kwentang kausap, "So kayo na pala? Hindi mo man lang ba naisip ang nangyari sa nanay mo? Wala kang kwentang anak." mataray na sabi n'ya.

Huminga muna ako ng malalim, at isinandal ang likod ko sa swivel chair. Nag-cross arms ako at tinitigan s'ya sa mata.

"Una sa lahat, hindi ko alam kung bakit ka nasa harap ko, at nag-aaksaya ako ng oras para pakinggan ang insecurties mo."

"Pangalawa, hindi mo ako kagaya." huminto ako sa pagsasalita at sinisimulan ko na s'yang patayin sa isip ko, "Nasaktan ako pero marunong akong magpatawad."

"Pangatlo, hindi ka mukhang bida." lumakad ako papalapit sa kanya, "At lastly, ako, naka-move on na sa pagkamatay ng mom ko. Eh ikaw? Naka-move on ka na ba sa boyfriend ko? Mukhang hindi pa ata?" tumawa ako na parang kontrabida.

"Oh well, mukhang hindi ka pa nga ata naka-move on sa boyfriend ko, sounds great. Keep looking pathetic.." napangisi ako noong nakita ko kung ano ang reaksyon n'ya. Yan! Buti nga sa'yo, feeling matapang pa.

"Umalis ka nga sa harapan at nagmumukha ka lang basura. Alis!" bumalik ako sa inuupuan ko at hinarap ang make-up artist ko, "I-retouch mo ko, nakakastress ang pagmumukha ng isang insecure." napangiti na lang ang make-up artist ko pati na rin ang stylist ko.

Tingnan mo nga rin naman ang pagkakataon, past versus present. Hay, ayaw ko sanang maging rude kaso dinamay n'ya na naman ang mom ko. Look, wala na ba talaga s'yang alam na mas maldita pa doon? Mas masaya pa nga sana kung hinalikan n'ya ang boyfriend ko para sumabog ang nguso n'ya sa gagawin ko.

"Oh ikaw? Wala ka bang balak lisanin ang lugar na ito?" tiningnan ko ang tukmol sa likod ko gamit ang repleksyon n'ya sa salamin na nasa harap ko.

"Ouch.." napahawak s'ya sa dibdib n'ya, "Pinapaalis mo na ako?" parang batang sabi n'ya, itinaas ko naman ang kilay ko.

My Greatest Downfall (Published under Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon